^

Pang Movies

Edu may mga ebidensiya laban kay Ronnie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dinedma na talaga ni Ronnie Ricketts ang mga pasabog ni Edu Manzano tungkol sa mga kaso na isinampa ng Ombudsman laban sa kanya. In fairness, kumpleto ang mga dokumento na hawak ni Edu kaya malakas ang loob niya na magsalita. May sagot si Edu sa lahat ng mga question sa kanya, hindi tulad ni Ronnie na nakabibingi ang katahimikan.

Anyway, nasabi na ni Edu ang kanyang panig kaya nag-move on na siya. Ang bagong restaurant business niya na malapit nang magbukas ang pinagkakaabalahan ni Edu. Bongga ang location ng restaurant, sa City of Dream na tiyak na magi­ging popu­lar dahil may theme park ito. Ang City of Dream din ang location ng Nobu Hotel na pag-aari ng award winning Hollywood actor na si Robert De Niro na minsan nang bumisita sa bansa natin. Hoping ang Pinoy fans ni De Niro na babalik ito sa Pilipinas para sa formal opening ng Nobu Hotel.

Dahil sa throwback, Jojo Alejar biglang dumami ang raket

In demand si Jojo Alejar mula nang mauso ang mga throwback. Special guest si Jojo at ang dance group niya sa concert ni Ogie Alcasid noong Sabado. Masusundan agad ang raket ni Jojo dahil guest din siya sa concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera sa December 12, ang The Penthouse...Live Reunion. Si Jojo ang simbolo ng showbiz noong dekada ‘80 kaya in demand siya sa mga show na throwback ang tema. Younger brother si Jojo ng aktor na si Toby na nalinya naman noon sa sexy movies at naging suki sa mga pelikula ng Seiko Films. Madalas na guest noon si Jojo sa Penthouse Live, ang show nina Martin at Pops sa GMA-7 kaya hindi siya puwedeng mawala sa reunion concert ng Penthouse sa PICC Plenary Hall.

Pops at Martin suportado ang dating director ng kanilang TV show

Isa si Fritz Ynfante sa mga ex-director ng TV show nina Pops at Martin sa GMA-7. Malaki ang contribution ni Fritz sa success ng Penthouse Live kaya present ang dalawa sa tribute sa kanya sa Music Museum noong Biyernes. Tiyak na susuportahan din ni Fritz ang concert nina Pops at Martin sa December na nagkataon na birthday din ni Pops.

Kasalang John at Isabel tuloy na tuloy na next year!

Sumusumpa ang PM source na next year at hindi sa 2016 ang kasal nina John Prats at Isabel Oli. Lumabas kasi ang balita na diumano, sa 2016 pa ang pag-iisang dibdib ng dalawa pero idinenay ito ng manager ni John. Nanindigan ang PM source na ikakasal ang dalawa sa May 2015 dahil kung talagang sa 2016 pa ang event, imposible na hindi mainip si Isabel bilang nag-propose na sa kanya si John sa isang mall sa Libis. Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa May 2015 kaya hindi na dapat pagdebatehan ang isyu.

vuukle comment

DE NIRO

EDU

EDU MANZANO

FRITZ YNFANTE

JOJO

JOJO ALEJAR

NOBU HOTEL

PENTHOUSE LIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with