^

Pang Movies

Kahit wala raw relasyon Kim at Kiko selosan nang selosan

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa sa mga loveteam na inaalagaan ng GMA Artist Center ay ang tambalang Kim Rodriguez at ang anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada. Magkasama ang dalawa sa teleseryeng Strawber­ry Lane na sinusundan ng mga young ones na ka­edad nila. Sa tagal ng pagsasama nila ay mara­mi ang nakakapansin ng sweetness ng dalawa. Sa tingin namin, dati pa may kakaibang closeness ang dalawang bagets. Si Kim ay namumuhay na mag-isa kaya madalas inihahatid at sinusun­do ito ni Kiko. Pero hanggang ngayon ay walang uma­­amin sa totoong relasyon ng dalawa. Pulos ngiti lang ang nakukuhang kasagutan sa tuwing matatanong ang magka-loveteam.
Nakakaloka na kahit wala raw silang relasyon o kahit mutual understanding, may selosan factor na nagaganap at pinagbabawalan ang bawat isa na mag-entertain ng manliligaw.

Kilig-kiligan nang makatsikahan na­min si Kim kapag si Kiko ang pinag-uu­sapan. Kailan lang ay niregaluhan daw ni Kiko ng asong Shih Tzu si Kim nang makitang malungkot ang dalaga sa pagkawala ng aso nito. Ngayon ay madalas may karay-karay na aso si Kim sa set ng Strawberry Lane. Dahil wala siyang kasama sa bahay kailangan niyang bitbitin ang aso na bigay ni Kiko. Kapag hindi naman daw puwedeng dalhin sa set ay sa bahay muna nina Kiko ito inihahabilin.

Gayun pa man, hindi daw nagte-take advantage si Kiko at napakabait nito at gentleman ayon sa dalaga. Nirirespeto ng binata ang pagkasimple ni Kim. Hindi naman daw ito nababahala na magmana si Kiko sa amang si Gary Estrada na napapabalitang napaka-playboy.

Hay ang mga bata nga naman. Kasama ni Kim at Kiko sa Strawberry Lane sina Bea Bine­ne, Jake Vargas, at marami pang iba.

Julie Anne ang daming fans

First time yata naming naisulat si Julie Ann San Jose at nagulat kami sa rami ng response at tweet sa amin ng fans niya huh. Binaha ng pasasalamat ang Twitter account namin. Totoo pala ang matagal nang chismis na sandamakmak ang followers at fans ng singer na napakabait at simple.

Nakasama namin si Julie Anne sa taping ng Pepito Manaloto ng isang linggo sa isang Asian Cruise. Doon namin nadiskubre ang kabaitan at pagi­ging simple ng dalaga pati na rin ng ina nito. Hindi siya maarte o pasaway. Kaya naniniwala na kami ngayon sa malakas na bentahe ng mga tickets sa nalalapit niyang concert na Hologram sa MOA Arena ngayon December 13. Mabuhay ka Julie Anne at good luck sa concert mo.

vuukle comment

ARTIST CENTER

ASIAN CRUISE

BEA BINE

GARY ESTRADA

JAKE VARGAS

JULIE ANNE

KIKO

SHY

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with