^

Pang Movies

Pacman hindi malimutan na walang makain noon!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa laban nito kay Chris Algieri sa Macau noong nakaraang Sunday, magiging malaking tulong ito sa pelikula tungkol sa kanyang simula bilang isang boksingero na Kid Kulafu.

Ang Kid Kulafu ay tungkol sa kabataan at ang simula ng pagiging future world boxing champ ni Pacman.

Ayon kay Direk Paul, isa itong “prequel to Pacman’s championship career.

“Manny was homeless, came from a broken family, no food, no education. But because of his determination and his passion, he became the best boxer in the world,” sabi ni Direk Paul.

Si Direk Paul ang nagdirek ng award-winning role ni Maja Salvador na Thelma noong 2011 na tungkol sa buhay ng track and field champion na si Elma Muros.

Matagal na raw niyang gustong gawin ang kuwento tungkol sa kabataan ni Pacman. Inilapit nga raw niya kay Manny ang project na ito may apat na taon nang nakakaraan.

Naging close si Direk Paul kay Pacman noong idirek niya ito sa ilang TV commercials.

“I said, ‘Manny, let’s do another film about your life’ and I remember him saying, ‘Na naman? Film na naman?’.

“I said, ‘Iba ito, it’s about your childhood’ and he became like a child right then and there. After that commercial shoot, I remember we ended up talking up to 4 in the morning about his childhood alone. It was just cinematic,” pag-alala pa ni Direk Paul.

Tatlong taon nga raw na pabalik-balik si Direk Paul sa General Santos City kung saan ipinanganak at lumaki si Pacman. Marami ngang ginawang research si Direk Paul at kinausap niya ang mga taong naging malapit kay Pacman, kasama na rito ang magulang ni Pacman na sina Dionisia at Rosalio Pacquiao.

Ang gaganap na batang Manny ay si Buboy Villar. Ang gaganap naman na Mommy Dionisia ay si Alessandra de Rossi. Si Alex Medina naman ang gaganap na Rosalio Pacquiao.

Kid Kulafu nga ang unang tawag kay Manny noong nagsisimula pa lang siyang manalo sa mga boxing matches niya sa GenSan.

Nakuha raw ang pangalang Kid Kulafu mula sa isang brand ng rice wine o kung tawagin ay Shoktong.

7/11 music video ni Beyonce kopya lang kay Gab

Malaki ang kinalaman ng anak ni Gary Valenciano na si Gab Valenciano sa latest music video ni Beyonce Knowles na may titulong 7/11.

Kinuha bilang creative consultant ng Team Beyonce si Gab para sa paggawa ng bagong music video na ito ni Beyonce.

Kaya ang signature pose and moves ni Gab sa kanyang mga Super Selfie video series ay makikita sa 7/11 music video.

Kinumpirma ni Gab sa kanyang Facebook account ang pagkaka-involve niya sa music video ni Beyonce.

Heto ang kanyang naging post:

“Hi everyone. This has been a very surreal season for me, and today is quite special. This video, which apparently was inspired by my videos is out. I was told that she herself watched my videos and asked to bring me onboard the creative process. Unbelievable. To God be all glory. Thanks for the support everyone! Still can’t believe it. #superselfie”

Ang naturang music video na kinunan sa isang hotel room ay may concept na parang isang home made video ito.

Ginaya ni Beyonce sa isang part ng music video ang trademark pose ni Gab na nakaluhod ito at nakataas ang mga kamay sa ere.

Noong mai-post nga sa YouTube ang music video na 7/11, nakakuha na ito ng higit na 19 million views.

ANG KID KULAFU

BEYONCE

DIREK PAUL

KID KULAFU

MUSIC

PACMAN

ROSALIO PACQUIAO

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with