Walang pag-asang makabalik sa puwesto, ER inilaglag na rin ng Korte Suprema
MANILA, Philippines – Walang nahanap na kakampi ang dating Laguna governor na si ER Ejercito sa Korte Suprema dahil ang mosyong isinampa kaugnay ng disqualification case ng COMELEC for overspending ay ibinasura kahapon.
Pero tiyak na makahahanap ng kakampi si Gov. ER sa showbiz, once muli niyang makasama ito kaugnay ng promotion ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Muslim Magnum .357.
Sulat mula kay Sen. Loren dalawang buwan bago dumating!
Nagulat kami nang makatanggap kami ng sulat mula kay Senator Loren Legarda. Inisip namin na baka advance Christmas greeting ‘yon dahil nga next week ay Disyembre na.
Bumagsak kami sa aming kinauupuan nang mabasa namin ang laman ng sulat ng senadora. Birthday greetings, huh!
Nang itsek namin ang date ng sulat, tama naman, September 25. Pero nang alamin namin kung kailan ipinadala, tanging ang date na Nov. 25 ang nakita namin sa sobre. Official mail pa naman ang sulat kaya walang bayad sa postage.
Of course we appreciate ‘yung gesture ni Sen. Loren dahil sa rami ng inaasikaso niya ay pinalitan niya ng Jun sa sariling handwriting ang typewritten na Mr. Nardo!
Pero how inefficient naman na ilang buwan ang lumipas bago dumating ang pagbati ng senadora, huh! Kaya naman bihira na rin ang gumagamit ng ating mailing system, huh!
Derek alipin na ng anak!
Masyadong obedient pala si Derek Ramsay sa oras ng pagsundo sa anak na si Austin tuwing araw nilang mag-ama. Ayaw daw niyang maging dahilan ito upang masira ang usapan nila ng dating asawa.
Kaya ‘pag may showbiz appointment si Derek at schedule niyang sunduin ang anak, kina-cut short niya ang appointments niya upang hindi ma-late sa pagsundo ng anak, huh!
Eh for sure, itong Pasko na ito ang magiging pinakamasaya sa aktor dahil makakasama na niya ang kanyang anak. At dahil isang romantic comedy ang festival entry nila ni Jennylyn Mercado na English Only, Please, magkakaroon na ng chance sa anak na ipapanood ang movie, huh!
- Latest