Andre bumilib sa mga may kapansanan
MANILA, Philippines – Sa Tahanang Walang Hagdanan sa Cainta nagdiwang ng kanyang 19th birthday si Andre Paras noong nakaraang November 11.
Dumating ng maaga ang 6-foot-2 Kapuso sa nasabing lugar bitbit ang bags of goodies para sa mga nakatira roon.
Mahigit 100 residents ng Tahanang Walang Hagdadan ang nakiisa sa birthday party ng alaga ng GMA Artist Center na isa sa mga bida ng The Half Sisters.
Nakipaglaro pa si Andre ng wheelchair basketball at nakipag-selfie sa mga nasa tahanan ng persons with disabilities.
“You have to have a strong upper body to be able to do that, ang galing nila,” he commented.
- Latest