^

Pang Movies

Naghahanda sa kakaibang opening number ng kanyang concert

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi naman sumama ang loob ni Julie Anne San Jose nang tanggihan ng dating ka-love team na si Elmo Magalona na mag-guest sa kanyang concert na pinamagatang Hologram sa Disyembre 13, 2014 sa MOA Arena.

Pinabulaanan din ng singer na umiyak siya dahil sa pagtanggi ng nanay ni Elmo na si Pia Magalona.

Samantala, nabanggit ni Julie Anne na 21 songs ang kakantahin niya at may pasabog pa siya sa opening number. Naghahanda siyang mabuti sa darating na concert kaya panay ang workout ni Julie Anne. Pangarap niyang maging guest si Lea Salonga na sana raw ay mangyari sa mga susunod pa niyang concert.

Inili-link kay Julie Anne ngayon si Abra, pero wala umano siyang time pagdating sa lovelife.

Makakasama niya sa concert sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion at marami pang surprise guests. Prodyus ang Hologram concert ng GMA Network, Inc. at Tarroza Entertainment Productions.

Nominado rin sa Oscars bagong animation film na Minuscule wagi sa MVFF

Dalawang tribo ng langgam (pula laban sa itim) ang nauwi sa giyera ang pag-aagawan para sa mga tira-tirang pagkain sa isang piknikan. Isang matapang na ladybug naman ang nalagay sa pagitan ng nag-aalitang mga tribo ng langgam kung saan naging kaibigan ng isang itim na langgam.

Nagpatuloy ang mabangis na giyera sa pag-aagawan ng mga mumo at naiwang pagkain sa pagitan ng mga itim at pulang langgam.

Sa pelikulang Minuscule: Valley of the Lost Ants ay nagawa ng mga filmmakers ang makabago at matalinong approach sa CGI, isa itong “real film” pero naipasok nang maayos ang mga karakter na napakaganda. Hindi makikita sa mga nauna nang animation films ang istilong ginamit dito.

Nanalo na ito sa 2014 Mill Valley Film Festival ng Audience Award for Best Children’s Feature Film para sa mga direktor na sina Thomas Szabo at Hélène Giraud. Kasama rin ito sa mga nominado sa kategoryang Best Animated Film sa 87th Oscar Awards.

Ang Minuscule: Valley of the Lost Ants na mula sa Solar Pictures ay mapapanood na sa mga sinehan sa December.

ABRA

ANG MINUSCULE

AUDIENCE AWARD

BEST ANIMATED FILM

BEST CHILDREN

CHRISTIAN BAUTISTA

JULIE ANNE

VALLEY OF THE LOST ANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with