^

Pang Movies

Zanjoe mas gusto munang mag-alaga ng aso

- Vinia Vivar - Pang-masa

Likas na malapit sa bata si Zanjoe Marudo kaya naman talagang bagay sa kanya ang Dream Dad na bagong teleserye niya sa ABS-CBN.

Alam ng lahat kung gaano niya itinuring na parang tunay na anak si Andrea Brillantes na nakasama niya at gumanap na anak niya sa seryeng Annaliza.

Sa Dream Dad ay ang 5-year-old namang si Jana Agoncillo ang kasama niya at ngayon pa lang ay nagpapakita na rin siya ng pagkagiliw sa child actress.

Tulad sa Annaliza, si Zanjoe rin ang magiging adoptive father ni Jana sa Dream Dad.

In real life ba ay willing din si Zanjoe na maging adoptive father?

“Ah hindi pa, hindi ka pa po iniisip, eh. Siyempre, gusto ko po siyempre, sarili ko po, pero hindi ko naman sinasabi na hindi ko gagawin, pero sa ngayon, hindi ko pa po naiisip dahil may inaalagaan po akong aso,” natatawang sabi ni Zanjoe.

Hindi raw ito siguro pa ang tamang panahon at okay na muna raw sa kanya ‘yung makasama ang mga batang mahal niya sa serye.

“Tulad ngayon, matagal kong makakasama si Jana, so, parang may anak na rin ako,” he said.

Samantala, ang Dream Dad ay sa Nov. 24 na mapapanood at hindi na ngayong Monday, Nov. 17. Biglang nagkaroon ng pagbabago at sa halip, ang Bagito nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ang magsisimula ngayong Monday bago mag-TV Patrol.

Nash maagang naging ama

Speaking of Bagito, medyo maselan ang kuwento nito na hango sa Wattpad series na isinulat ni Noreen Capili. Gagampanan ni Nash ang papel na isang binatil­yo (Drew) na maagang haharapin ang responsibilidad ng isang ama dahil sa isang malaking pagkakamali.

Kaya naman sa seryeng ito ay ipapakita sa mga magulang kung gaano kahalaga ang wastong paggabay sa kanilang mga anak.

Kasama rin nina Nash at Alexa sa Bagito sina Ella Cruz at ang mga batikang artista na sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino. Kasama rin sina Paolo Santiago, Alex Diaz, at ang mga miyembro ng sumisikat na boy group na Gimme 5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grace Fernandez, at Brace Arquia.

Ang Bagito ay mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television at sa direksyon naman nina Onat Diaz at Jojo Saguin.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALEX DIAZ

ALEXA ILACAD

ANDREA BRILLANTES

ANG BAGITO

ANGEL AQUINO

ANNALIZA

ARIEL RIVERA

DREAM DAD

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with