^

Pang Movies

Kahit nadulas na raw ang actor Kim at Xian itinanggi na dalawang taon na ang relasyon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

A few days before the presscon of Past Tense nina AiAi delas Alas, Xian Lim, and Kim Chiu, kumalat ang balita sa isang event, inamin ni Xian na girlfriend na niya sa Kim for two years. Kaya iyon ang isa sa itinanong sa kanila, if true na they are on na for two years. But both denied dahil best of friends daw lamang sila at mas comfortable na sila working together since ito na ang third movie nila, nauna ang Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo at Bride for Rent.

Kaya may nagsabi na dati nang nagdi-deny si Kim sa naging boyfriend niya noon, si Gerald Anderson, pero hindi na siya nakapag-deny nang ma­kipag-break sa kanya ang dating leading man at matagal din niyang iniyakan iyon. Pero ngayon nga, sila na ni Xian ang paboritong tanungin tungkol sa kanilang relasyon.  Natanong na lamang si Kim kung may switch ba sila ng character ni AiAi sa movie na dinirek ni Mae Cruz Alviar.

Wala raw switch, pareho silang gumaganap ni AiAi ng isang character pero Bhe si Comedy Concert Queen at siya naman si Belle. Nangyari raw ang story twenty years ago nang maaksidente si Bhe at na-comatose. Nang matauhan si Bhe, hinayaan siya ng guardian angel niya (played by Benjie Paras) na bumalik sa 2014 para itama niya ang mga mali niya. 

Bumalik siya sa katauhan niya noong bata pa siya, as Belle, at itatama niya ang relasyon nila ni Carlos (Daniel Matsunaga) na may lihim na itinatago.

At maihahayag din ang totoong nararamdaman sa kanya ng best friend niyang si Babs (Xian). Ayon kay Direk Mae, maraming nakatutuwang pangyayari sa movie dahil sa consequences na nangyari sa buhay nina Bhe at Belle. 

Mapapanood na ito simula sa November 26 at sabi’y ito na ang last movie offering ng Star Cinema for their 20th anniversary celebration for 2014, dahil isusunod na rito ay mga movie na entry nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Jonalyn may bagong pakulo sa repeat ng kanyang concert

Mamayang gabi na ang Fearless: The Repeat ni Jonalyn Viray sa Music Museum, Greenhills, at 8:00 p.m.  Kung nagustuhan ninyo ang unang major concert ni Jonalyn, hindi ninyo dapat i-miss ito dahil may ibang mga songs na aawitin si Jonalyn dahil iba ang mga special guests niya ngayon - Jaya, Thor, at Tom Rodriguez. Pero sure na ring darating si Christian Bautista. May special number si Jonalyn na ngayon lamang niya gagawin sa concert.

Lauren, hirap ibalik ang alaala ni Dennis

Challenged ang kakayahan sa acting nina Dennis Trillo at Lauren Young sa Hiram na Alaala. Inamin ni Lauren na very draining ang mga eksena niya bilang si Bethany na pinipilit ibalik ang pagmamahal sa kanya ni Ivan (Dennis) dahil nabubuhay ito ngayon sa ibang katauhan, si Otep (Rocco Nacino).

Ang Hiram na Alaala ay napapanood pagkatapos ng Strawberry Lane sa primetime block sa GMA 7.

 

vuukle comment

ALAALA

ANG HIRAM

BENJIE PARAS

BHE

CHRISTIAN BAUTISTA

COMEDY CONCERT QUEEN

JONALYN

NIYA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with