^

Pang Movies

Bimby endorser ng bus kahit never namang sumakay sa pampasaherong sasakyan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – May mga nagtatanong, bakit daw si Bimby Yap ang nag-endorse ng isang bus company, gayung hindi naman ito sumasakay ng bus? Masuwerte ang anak ni Kris Aquino na sa daming puwedeng pagpiliang mag-endorse, ang anak pa nila ni James Yap ang napili.

May dagdag pang katanungan, hindi naman kaya porke si Bimby ang endorser ng bus company, puwede silang humirit ng takbo sa kalye hangga’t gusto nila?

Sharon mas lalong namayat nang mamatay ang ina

Malaking tulong sa pagpapayat ni Megastar Sharon Cuneta ang sobrang depression na inabot noong mamatay ang kanyang loving mother na si Elaine Cuneta!

Sa sobrang puyat, talagang mahuhulog ang katawan niya. Ibang klase talagang makisama si Mega sa taong bayan, lalo na sa mga taga-Pasay City na maraming natulungan. Isa nang ganap na ulilang lubos si Mega dahil ang nanay-nanayan niyang si Yaya Luring ay nawala na rin sa buhay niya.

Tom niregaluhan ng gitara ang best friend na na-Yolanda

Noong bumisita sa mga kababayang biktima ng bagyong Yolanda sa Catbalogan Samar, isang blue guitar ang regalo ni Tom Rodriguez sa best friend niyang si Juk Juk Tizon. High school pa lang, magkabarkada na ang dalawa. Maganda raw talaga ang boses ni Tom sabi ng guro nitong dinalaw din ng actor. Halata ang kababaang loob ni Tom. Kaya malabo ang nabalita noon na nagdabog ang aktor, minsang mapangaralan ng ama ng “kasintahang” si Carla Abellana.

Napaiyak ng bahagya si Tom noong pabalik na ng Maynila. Naawa siya sa mga kababayan na sa kabila ng mga tulong ng iba’t ibang private companies, maging ng ibang bansa, kulang pa rin ito para sa mga pangangailangan nila.

Miggs lilipad pa-Poland para sa filmfest

Mapapanood si Miggs Cuaderno sa Magpakailanman sa Sabado. Gaganap siya sa istorya ng buhay ni Gerald na isang batang magaling sa Mathematics. Tumama ang role kay Miggs dahil sa school nila, magaling ang bagets sa math.

Aalis naman si Miggs sa last week ng buwan papuntang Poland para dumalo sa Poland Film Festival kung saan kasali ang isa sa mga pelikulang ginawa niya.

Mayor Herbert isasalba raw ang Cinemalaya

Tutulungan ni Mayor Herbert Bautista ang sinasabing matitigok na Cine­malya. Nagkaroon ng samu’t saring gulo kaya muntik pang mawala ang filmfest. Sasaluhin ito ng butihing Mayor Bistek ng Kyusi. Ayaw niyang mawalan ng trabaho ang mga kapwa artista. At lalong ayaw niyang mamatay ang movie industry.

Mga kabataan dapat uling turuang magbasa ng libro

Sa Iloilo City ang book-signing ng pinakabagong libro ng aktres na si Rita Avila na Ang Hindi Nakikitang Pakpak. Malaki ang suporta sa kanya ng St. Paul’s Publishing House dahil maganda ang librong ginawa niya para sa mga bata. Sa panahong ito, dapat matutuhang magbalik sa pagbabasa ng mga kabataan at hindi ‘yung nakakatutok na lang sa computer at cell phone.

Sa totoo lang mas brilliant ang mga bata noong araw dahil nagbabasa sila ng libro.

vuukle comment

ANG HINDI NAKIKITANG PAKPAK

BIMBY YAP

CARLA ABELLANA

CATBALOGAN SAMAR

ELAINE CUNETA

JAMES YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with