^

Pang Movies

AiAi kakaiba ang glow, bakas sa mukha ang labis na kaligayahan sa piling ng 20-anyos na dyowa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang inaasahan nila ay makakalkal ang love life ni AiAi delas Alas dahil nagsimula na nga siya ng promo ng kanyang pelikulang Past Tense, pero natapat iyon sa mismong araw ng birthday niya, at sa simula pa lang ay may pakiusap nang huwag tanungin ang tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig. Pinagbigyan naman siya ng press kasi nga birthday niya. Ganoon pa man, hindi rin naiwasan ang mga pahapyaw na tanong dahil sinasabi nga nila na mukhang bumata at mas gumanda siya ngayon. Ngumiti lang si AiAi na lahat halos ng kanyang mga sagot ay ginawang biro.

Puro pakikipagkantiyawan lang naman ang ginawa ni AiAi na nakakatawa naman, after all bakit nga ba siya tinawag na Comedy Queen ngayon?

Pero kung titingnan mo nga si AiAi, mayroong kakaibang glow sa kanyang personalidad ngayon. Mukhang masaya nga siya sa kanyang buhay. Noon kasi, kahit na nagpapatawa siya halata mo pa ring may mabigat siyang pinagdaraanan. Noon kasi kahit na sinasabi niyang happy na siya at kuntento sa kanyang buhay, alam mong iba eh. Ngayon, hindi man siya nagsasalita, mukhang masayang-masaya siyang talaga.

Wala ka ring naririnig na negative comments ngayon tungkol sa kanyang love life. Hindi kagaya noong nakaraan na halos nagsisimula pa lamang ay marami nang sinasabi ang ibang tao, lalo na iyong mga nakakakilala sa kanila. Nang malaunan, lumabas namang totoo pala ang sinasabi ng ibang nagmamalasakit sa komedyana tungkol sa relasyong iyon simula pa lamang.

Pero maging ang nakaraan na ‘yun ay ayaw na ring pag-usapan ni AiAi, basta ang sinasabi lang niya ay happy na siya at natapos na ang kabanatang iyon ng kanyang buhay.

This time, talagang gusto nang ga­wing pribado ni AiAi ang mga ganoong bahagi ng buhay niya, na sa palagay namin, tama lang.

Marami naman tayong mga comedian in the past na makulay din ang love life, kabilang na nga ang Comedy King na si Mang Dolphy, pero hindi naman sila tinatanong tungkol sa mga bagay na iyon. Nasanay na nga lang siguro tayo na si AiAi at nagkukuwento tungkol sa lovelife niya, pero kung gusto niya nang kaunting privacy, karapatan niya iyon.

Pagkatalo ni Bianca sa Miss International isinisisi sa kanyang mga damit

Nagkakaroon ngayon ng usapan, o masasabi nga sigurong kantiyawan dahil ang representative ng Pi­lipinas sa nakaraang Miss International, si Bianca Guidotti, ay hindi man lang nakapasok sa top ten ng beauty pageant. Hindi naman palaging panalo ang Pilipinas, pero nakasanayan na kasi natin na at least doon sa mga finalist talaga, nakakasama kung sino man ang ating representative.

May mga sumisisi na ang mga damit na ipinagamit sa kanya ay hindi magaganda. Mukhang kulang din daw ang suporta ng mga Pinoy, dahil doon sa lumabas sa Internet na short video, mapapansing ilan lang ang nag-cheer nang dumaan sa kanila si Miss Philippines. Parang hindi siya masyadong pansin ng karamihan sa audience.

Pero talaga namang hindi tayo dapat laging umasa na mananalo. Palagay namin, iyon lamang mga napanalunan na ng Pilipinas ay sapat na. Kabilang na tayo doon sa sinasabing magandang lahi.

vuukle comment

BIANCA GUIDOTTI

COMEDY KING

COMEDY QUEEN

MISS INTERNATIONAL

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with