^

Pang Movies

Pagiging prinsesa at sirena sabay na natupad ni Ryzza Mae

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Masayang-masaya si Ryzza Mae Dizon sa entry nilang My Big Bossing’s Adventures kung saan dalawang karakter ang ginagampanan nito – isang sirena at prinsesa.

Matagal nang pangarap ng child actress na maging prinsesa kaya lang inaming nahihirapan siya dahil mabigat ang costume at lagi siyang natatapakan.

Enjoy na enjoy din siya sa pagiging sirena dahil tinuruan pa siyang lumangoy. Nagbiro pa nga ito na baka balang araw ay maging bagong Dyesebel siya.

Kumusta naman ang kanyang bagong leading boy na si Alonzo Muhlach? Ano ang kaibahan nila ni Bimby?

“Pareho silang inglesero. Pero mas makulit at madaldal si Alonzo. Si Bimby tahimik lang. Lagi niyang kasama ang kanyang Mommy Kris. Si Alonzo naman ang kanyang papa na si Niño (Muhlach).”

Julian mas maraming kakampi kesa kay julia?

Tila mas marami ang pumapabor kay Julian Estrada kaysa kay Julia Barretto. Naging nega na noon ang tingin ng mga tao kay Julia nang palitan nito ang apelyido niya sa biological father na si Dennis Padilla na Baldivia. Tapos gusto pa niyang i-deny ang naging relasyon nila ng aktor na anak ni Sen. Jinggoy Estrada.

Anyway, kasama sa Relaks It’s Just Pag-ibig si Julian kasama si Iñigo Pascual. Showing na ito simula ngayong araw.

 

Yul kakandidatong Congressman ng Maynila

Mas pinaganda pa ang Celebrity Hour ngayon kung saan mas malalaking tao ang nagi-guest.  Isa si Councilor Yul Servo ng Maynila sa mga nagguest na sa programa.

Ayon dito pareho siyang nag-i-enjoy sa pagiging artista at pulitiko. Nahahati naman niya ang oras dahil mahal niya ang showbiz at ‘di ito pwedeng talikuran. Katatapos lang ipalabas ang pelikulang  Dementia kasama si Nora Aunor at may stage play din itong gagawin.

Matatapos sa kanyang tatlong termino si Yul kaya posible rin daw na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon – sa congressional seat.

Ang Celebrity Hour ay prodyus nina Daddy Atienza at Eloy Padua na siya ring host ng programa kasama ang inyong lingkod.

Ang Celebrity Hour ay idinaraos tuwing Sabado 9-12 noon sa Tiara Hotel, Makati sa direksyon ni Ed Montealegre at ang program coordinator ay si MJ Balaguer.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

ANG CELEBRITY HOUR

CELEBRITY HOUR

COUNCILOR YUL SERVO

DADDY ATIENZA

DENNIS PADILLA

ED MONTEALEGRE

ELOY PADUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with