^

Pang Movies

Gerald, Coco, Jericho salpukan sa pagka-best actor

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang Official Nominees ng 28th Star Awards for Television and as expected, matindi na naman ang labanan sa major categories kabilang na ang Best Drama Actor, Best Drama Actress, Best Single Performance by an Actor, and Best Single Performance by an Actress dahil sa pawang mahuhusay ang lahat ng nominado.

Sa nominasyon pa lang ay panalo na ang teleseryeng Ikaw Lamang dahil nominado ito sa 14 na kategorya kabilang na ang Best Primetime TV Series, Best Drama Actor, Best Drama Actress, Best Supporting Actor and Best Supporting Actress.

Sa Best Drama Actor, 4 na taga-ABS-CBN at 4 na taga-GMA7 ang magtutunggali, samantalang sa Best Drama Actress ay 5 Kapamilya at 2 Kapuso ang maglalaban.

Ang mga nominado sa Best Drama Actor sina Gerald Anderson (Bukas na lang kita Mahahalin), Dingdong Dantes (Ang Dalawang Mrs. Real), Enchong Dee (Muling Buksan ang Puso), Gabby Eigenmann (Da­ding), Coco Martin (Ikaw Lamang), Kristoffer Martin (Kahit Nasaan ka Man), Jericho Rosales (The Legal Wife), and Miguel Tanfelix (Niño).

Ang mga nominado naman sa Best Drama Actress ay sina Bea Alonzo (Sana Bukas pa ang Kahapon), Kim Chiu (Ikaw Lamang), Angel Locsin (The Legal Wife), Lovi Poe (Ang Dalawang Mrs. Real), Maja Salvador (The Legal Wife), Maricel Soriano (Ang Dalawang Mrs. Real) at Dawn Zulueta (Bukas na lang kita Mahahalin).

Magbabangga naman sa Best Comedy Actress ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, habang ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay maglalaban sa Best Game Show Host.  
Ngayong taong ito ay iluluklok sa Hall of Fame ang programang Bubble Gang.

Ang Gabi ng Parangal  ay gaganapin sa ika-23 ng Nobyembre, 2014, sa Grand Ballroom ng Solaire  Resort and Casino, lungsod ng Parañaque, 7:00 ng gabi.

 Magsisilbing hosts sina Piolo Pascual, Kim Chiu, at Enchong Dee.

Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-30 ng Nobyembre, 2014, 11:00 ng  gabi.

Karla at Daniel ginawang bayani

Kikilalaning mga Bayani ng Yolanda ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla sa gaganaping free concert ngayong gabi, November 7, sa Quezon City Memorial Circle, ang Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan/Yolanda.

Matatandaang nagbigay ng free concert si Daniel katuwang ang kanyang ina, sa mga kababayan sa Tacloban para kahit paano ay mapasaya ang mga nabiktima ng bagyong Yolanda/Haiyan last year.

Mahigit sa 25,000 katao ang dumagsa sa nasabing free concert at muntik pang hindi natuloy dahil sa mga ilang pulitikong humadlang pero ipinaglaban ito ng mag-inang matuloy.

Ang Handumanan ay Visayan word na ang ibig sabihin ay tribute. Ang ilan sa mga artists at bandang  magpe-perform sa nasabing concert ay sina Kitchie Nadal, Southborder,  Rocksteady, Mayonaisse, Imago at marami pang iba. Magsisimula ang concert at 4 p.m.

 

 

 

BEST

BEST SINGLE PERFORMANCE

DRAMA

DRAMA ACTOR

DRAMA ACTRESS

ENCHONG DEE

IKAW LAMANG

LEGAL WIFE

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with