^

Pang Movies

Young actor magbababu na sa showbiz, hindi happy sa kinahinatnan ng pakikipagsapalaran

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Balak nang bumalik sa pag-aaral ang isang bini-build up na young actor dahil medyo disappointed ito sa nangyayari sa kanyang career.

Kahit may regular show siya, pakiramdam niya ay kulang pa rin ang nangyayari sa kanya. Marami raw pinangako sa kanya ang kanyang manager, pero iilan lang daw ang natupad sa mga iyon.

Tuloy, naisip niyang bumalik na muna sa pag-aaral dahil ang mga kasabayan daw niya ay nasa college na at ini-enjoy ang kanilang kurso.

“Hindi pa kasi nakatapos ng high school ang batang ‘yan noong pumasok siya sa showbiz.

“Kaya siguro nahihiya siya sa mga dating classmates niya, kasi nasa college na silang lahat tapos siya, hindi pa tapos ng high school.

“Hindi siya satisfied sa mga project na natatanggap niya. May kulang daw talaga. Kaya imbes na maaksaya ang panahon niya, gusto niyang bumalik sa pag-aaral.

“Tama lang naman iyon kasi noon pa siya pinipilit ng kanyang magulang na bumalik sa school dahil alam nilang hindi siya masaya sa mga nangyayari sa career niya,” kuwento pa ng source namin.

Malapit naman na raw mag-expire ang kontrata ng young actor sa kanyang manager at wala na itong planong mag-renew dahil gusto na nga niyang bumalik sa school.

Wala naman daw panghihinayangan si young actor dahil puwede pa naman siyang bumalik sa pag-aartista kapag nakatapos na siya.

Iya gustong mas maging daring sa pagbabalik-Kapuso

Bongga ang naging welcome ng GMA 7 sa nagbabalik Kapuso talent na si Iya Villania.

Sa programang Sunday All Stars ay isang buwis buhay na production number ang ginawa ni Iya. Ito raw ang gusto niyang gawin bukod sa pag-host at pagkanta.

“I want to explore myself more. Now that I am back with my original mother studio, it’s going to be a brand new Iya. Mas daring at mas kakabahan ang mister ko (Drew Arellano) dahil sa mga gagawin kong mga dance numbers sa SAS,” tawa pa ni Iya.

Ten years ago noong lumipat si Iya sa ABS-CBN 2. Una siyang nakilala sa programang Click kung saan nakasabay niya sina Angel Locsin, Chynna Ortaleza, Karen delos Reyes, Jolo Revilla, Bryan Revilla, JC de Vera, Alessandra de Rossi, at Richard Gutierrez.

“It’s been ten years at nandito pa ‘yung ibang nakatrabaho ko pa noon.

“So I don’t feel like a stranger sa GMA 7. At home pa rin ako and it feels good to be back home again,” diin pa niya.

Ngayon nga raw ay madalas na silang magkakasama ng kanyang mister at hindi na siya sinusundo pa sa ibang studio.

Gusto nga ni Iya na sana ay magkaroon sila ng chance na magsama sa isang show ng kanyang mister.

“Why not, ‘di ba? We work together well and dream namin ‘yon na may i-host kaming isang magandang show.

“Hopefully, we can work it out with GMA 7. Maganda kung isang reality competition show since pareho kami ni Drew na very active sa sports and travelling,” pagtatapos pa ni Iya.

Melissa patuloy na pinaiimbestigahan ang pagkamatay ng inang si Joan Rivers

Kumuha na ng abogado si Melissa Rivers para maimbestigahan nang mabuti ang mga pangyayari that lead to the untimely death ng kanyang inang si Joan Rivers.

Kinamatay ng legendary comedian and TV host ng Fashion Police ang complications sa kanyang throat procedure na ginawa sa isang New York clinic na Yorkville Endoscopy.

Namatay si Rivers noong September 4, isang linggo pagkatapos ito tumigil huminga habang nasa examination table ito ng naturang clinic.

Ang magiging findings ng imbestigasyon ang magtutulak kay Melissa na mag-file ng civil lawsuit laban sa clinic kung saan nagkaroon ng kumplikasyon ang kanyang ina na ikinamatay nito.

“In order to fully determine the facts and circumstances surrounding the death of Joan Rivers, we confirm that our firm has been engaged by Melissa Rivers and her family,” sey pa ni Ben Rubinowitz, na kinuha ni Melissa para sa imbestigasyon.

Ayon sa medical examiner ng New York, ang naging cause of death ni Joan Rivers ay anoxic encephalopathy, isang condition kung saan nagkaroon ng damage ang brain tissue dahil nawalan ito ng oxygen.

vuukle comment

ISANG

IYA

JOAN RIVERS

KANYANG

MELISSA RIVERS

NEW YORK

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with