^

Pang Movies

Matapos magpa-interview Raymart pinapa-contempt ni Claudine!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May blind item kahapon si Claudine Barretto at ang hula ng fans, ang future ex-husband na si Raymart Santiago ang tinutukoy niya sa kanyang patutsada na “Talk is cheap & so r u at I will ignore you so hard, you will doubt your own existence.”

Bakit si Raymart ang hula ng fans? Lumabas kasi sa Startalk noong All Saints’ Day ang interbyu kay Raymart at ang pahayag niya na nalulungkot siya dahil hindi nakita ng kanyang ina bago ito namatay ang mga anak nila ni Claudine.

Nagsalita rin si Raymart tungkol sa isyu ng regular na pagdalaw niya sa mga bata. Hindi raw totoo na regular ang pagkikita nila ng kanyang mga anak tulad ng pinalalabas ng kampo ni Claudine.

Ginamit na halimbawa ni Raymart ang burol ng kanyang ina. Bakas sa tono ng boses ni Raymart ang sama ng loob habang ikinukuwento nito ang pagpunta ng mga bata sa burol pero one day lang.

Hindi raw natupad ang usapan na tatlong araw dahil hindi nagustuhan ni Claudine ang pagdating ng isang bisita.

Hindi pinangalanan ni Raymart ang bisita na kinaimbyernahan ni Claudine pero may mga hula na si Gretchen Barretto ang kanyang tinutukoy.

Si Gretchen at ang ibang mga kapatid ni Claudine ang unang nakiramay sa pamilya ni Raymart nang malaman nila ang pagpanaw ni Mrs. Santiago.

Second Chances ang title ng bagong teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Raymart.

Nang tanungin kung posible ba na magkaroon ng second chance ang relasyon nila ni Claudine, nag-dialogue si Raymart ng suntok ‘yon sa buwan dahil sa rami ng mga gulo na nangyari

May immediate reaction ang kampo ni Claudine sa pa­ma­magitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdie Topacio.

Ang sey ni Atty. Topacio, pupunta siya ngayon sa korte para sampahan ng contempt si Raymart dahil nilabag nito ang gag order.

“Yes, to becited in contempt for violating the gag order. I’ll file Monday,” ang reaksyon ng abogado ni Claudine.

Fans ni Claudine mga sulsulero’t sulsulera

Siyempre, sulsol dito, sulsol doon ang ginawa ng fans ni Claudine.

Kesyo ginagamit daw ni Raymart ang kaso para mapag-usapan ang Second Chances.

As if naman, hindi na puwedeng tanungin si Raymart tungkol sa posibleng pagkakasundo nila Claudine dahil may mga anak sila at malalim din ang pinagsamahan noong love pa nila ang isa’t-isa.

Sana nga mapanindigan ni Claudine ang sinabi na de­dedmahin niya si Raymart hanggang pagdudahan nito ang existence sa mundong ibabaw. Magawa kaya ni Claudine na magtiis na huwag mag-react at sagutin ang mga sasabihin ni Raymart o ipauubaya niya kay Papa Ferdie ang pagresbak sa kanyang future ex-husband?

Raymart nagbago na, palaban na ngayon sa asawa

Coming soon na ang Second Chances at tiyak na magkakaroon ito ng presscon. Hindi puwedeng hindi umapir sa press launch si Raymart dahil siya ang lead actor ng teleserye na pinagbibidahan din nina Jennylyn Mercado at Camille Prats.

Mag-expect tayo na masusundan pa ang pagtatanong kay Raymart ng mga reporter tungkol sa mga kaganapan sa buhay nila ni Claudine.

Marami ang nakapansin na palaban na si Raymart sa pagsagot. Hindi na siya ang old Raymart na pinipili noon na manahimik kapag may mga akusasyon si Claudine laban sa kanya.

vuukle comment

ALL SAINTS

CAMILLE PRATS

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

FERDIE TOPACIO

RAYMART

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with