^

Pang Movies

Angeline idini-deny ang pangongopya kay Regine

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hanggang ngayon ay may mga nang-iintriga kay Angeline Quinto na wala raw itong kayang gawin kundi kopyahin si Regine Velasquez sa pagkanta. Inis man siya at apektado, sabi niya “Kung ‘yun ang iniisip ng ibang tao sa akin, wala akong magagawa. Ganun ako talaga, sarili ko talagang istilo ‘yun”.

Star Power days pa lang daw siya, ganun na ang sinasabi ng iba sa kanya. Pero patuloy lang siya. Ngayon, may title na siyang: Queen of Teleserye Theme Songs. May ganyan bang title si Regine? Tanong naman ng mga maka-Angeline sa mga intrigero’t intrigera.

May movie ngayon si Angeline, Beauty in a Bottle at ipinagmamalaki niya ang acting niya rito.

Iñigo kumakanta-kanta na rin

Narinig naming umawit si Iñigo Pascual nang mag-guest ito sa DWBL, bahagi yata ito ng promo niya sa bago niyang pelikula, Relaks It’s Just Pag-ibig. Okey naman ang singing voice niya, ‘yun nga lang, hindi ito outstanding.

Yes, sabi niya, okey lang sa kanya na ipina-DNA test muna siya ng tatay Piolo niya bago tinanggap na anak. Kaklase pala ni Piolo noon sa UST ang madir ni Iñigo. Silent lang daw ito noon dahil baka makasira sa career ni Piolo. Later on, nang ma-feel niyang kailangan na ng anak ng sustento ni Tatay Piolo, apir-lutang siyang bigla. Tinanggap naman agad ni Piolo na may anak pala siya dahil ito ‘yung time na pinagdududahan naman ang kanyang kasarian. Save by the bell tuloy siya!

Ewan lang namin kung kikita ang first movie ni Iñigo sakaling ipalabas na ito sa November 12.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

JUST PAG

NIYA

PIOLO

QUEEN OF TELESERYE THEME SONGS

REGINE VELASQUEZ

RELAKS IT

STAR POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with