^

Pang Movies

Ayaw magutom at ‘di makakin Ryan takot kay Juday kapag mainit ang ulo

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Aminado naman si Ryan Agoncillo na mainit ang ulo niya kapag gutom, mabuti na lang naka-jackpot talaga siya sa asawang si Judy Ann Santos na masarap magluto. Ipinagmamalaki ni Ryan na umaga pa lang ay nasa kusina na ang asawa niya at ipinagluluto na sila ng pagkain.

Talagang proud si Ryan kay Juday na kahit busy ang maybahay niya sa show nito na Bet on Your Baby, at ngayon ay lagare ang aktres sa promo ng kanyang movie na T’yanak, may time pa itong ipagluto silang mag-aama. May pabaon pa ang aktres kina Yohan at Lucho sa pagpasok nila sa school, at si Ryan ay walang palya na pinababaunan din ng pagkain sa taping at show sa Eat Bulaga.

Kahit masarap si Juday magluto, conscious pa rin ang mag-asawa sa kanilang diet. Kaya kontrolado nila ang kanilang pagkain. In fairness sa mag-asawa, may time pa silang mag-burn ng mga nilalantakan nilang pagkain sa mga fun run na sinasalihan nila, na isa pa nilang bonding time ng pamilya. Kita n’yo naman, na-maintain pa rin ni Ryan ang abs at biceps niya na super sexy at alaga naman ni Juday ang kanyang figure.

Kumpisal din ni Ryan, mas takot daw siya kapag si Juday na ang galit. Hindi lang daw kasi siya “outside the kulambo”, hindi rin siya ipinagluluto at pinakakain ng asawa ‘pag may away sila. Kaya umiiskapo muna raw siya at pakape-kape sa sala ng bahay hanggang sa kumalma na ang asawa.

Ngayong panahon lang daw napapansin si Ryan at naili-link sa iba, na hindi niya alam kung saan galing ang issue. Pero sigurado si Ryan na hinding-hindi niya ipagpapalit ang isang mabait at mabu­ting tao na napangasawa niyang si Juday kahit kanino.

Full support naman si Ryan sa movie ni Juday na maging pati sina Yohan at Lucho ay panay ang post kasama ng tiyanak na manika sa Instagram ng aktres. Mukha namang hindi na takot si Lucho sa hitsura ng manika. Nagmana raw sa daddy niya ang bagets na basta lagi raw busog, asahan itong naka-smile at proud pang ipinakikitang ubos ang laman ng plato na pinagkainan.

vuukle comment

EAT BULAGA

INSTAGRAM

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KAYA

LUCHO

RYAN

YOHAN

YOUR BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with