Arnel may pa-contest sa buong Asia para makatulong sa street children
Bongga ang launch ni Arnel Pineda sa itinatag niyang Asian Music Camp na siya rin ang producer. Ginanap ito sa Garden Ballroom ng EDSA Shangri-la Plaza Hotel last Saturday evening. Hindi ikinaila ni Arnel ang humble beginnings niya, lumaki siya sa streets of Manila, sinikap niyang maka-survive on a day-to-day basis para matupad ang kanyang pangarap na tumugtog at kumanta. Nagtiyaga siyang kumanta sa mga small clubs hanggang sa ma-discover siya ng world famous iconic band, ang Journey. Itinatag ni Arnel ang Arnel Pineda Foundation para sa mga street kids at ang Asian Music Camp ay tutulong sa mga taong may talento sa pagtugtog at pag-awit na ma-achieve ang kanilang dreams. Ang pangarap na ito ni Arnel ay tinulungan naman ng SANRE Entertainment sa pamamagitan ng Chief Executive Officer nitong si Rene Walter na kasamang humarap ni Arnel sa mga entertainment press at ini-explain kung ano ang Asian Music Camp.
Ang Asian Music Camp ang pinakabago at pinakamalaking Asian music talent competition ng mga bands. Ang mga interesadong sumali na mga banda sa buong Asia ay kailangan lamang mag-submit ng raw demo music video ng one cover song at one original song in English na hindi lalampas ng eight minutes ang kabuuan ng dalawang songs. Puwedeng mapanood ang mga entries at iboto ang magugustuhan ninyong band sa www.asianmusiccamp.com.
Open ang competition to everybody, kahit sa mga bands na nakapag-record na ng sariling album.
Fifty bands ang unang pipiliin through text votes, then pipili ng 20, then top 10. Sa top ten pipiliin ang top 5 at sila ang iha-house sa isang compound at mapapanood sila habang gumagawa ng mga kanta ng mga viewers around Asia. Puwedng mag-submit ng kanilang raw videos online simula January 1 to March 31, 2015. Tatanggap ng cash, record contract, management contract up to $1-M ang mananalo. Personal itong pamamahalaan ni Arnel kasama ang iba pang music professionals at magkakaroon ng celebrity guests every week. Sa tanong kay Arnel kung saang network nila ito ipapasok, wala pa raw silang kinakausap, pero to the highest bidder ang puwedeng makakuha nito.
- Latest