^

Pang Movies

James nabura ng tiyahin ni Nadine

Pang-masa

MANILA, Philippines - Puno ng kilig at saya ang trending finale ng top-rating special weekend fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym Presents My App Boyfie na pinagbibidahan ng Kapamilya stars na sina James Reid, Nadine Lustre, at Dominic Roque. 

Sa huling dalawang episode ngayong weekend (Oktubre 25 at 26) ng My App Boyfie, mawawalay na si Anika (Nadine) sa nilikha niyang app boyfriend dahil sa pagkuha ng kanyang tiyahin na si Stella (Cherie Gil) sa computer tablet na nagkokontrol dito matapos matuklasan ng lahat ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Joe (James). 

Ano ang gagawin ni Anika sa oras makalimutan siya ni Joe dahil sa pakikialam ni Stella sa application na lumikha dito? Maibabalik pa ba niya ang alaala ng kaisa-isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal o tuluyan na ba itong mabubura sa buhay niya?

Tampok din sa Wansapanataym Presents My App Boyfie sina Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol, at Elise Joson. Bahagi rin ng programa bilang guest stars sina Isabel Oli at Alex Castro. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Jojo Saguin. 

Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

 

vuukle comment

ALEX CASTRO

ANIKA

CHERIE GIL

DOMINIC ROQUE

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

ELISE JOSON

ISABEL OLI

JAMES REID

JOJO SAGUIN

MALOU CRISOLOGO

WANSAPANATAYM PRESENTS MY APP BOYFIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with