^

Pang Movies

Angelica hindi pino-problema ang katabaan: ‘Choice ko ‘yun’

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon kahapon ng pelikulang Beauty in a Bottle ay natanong agad ang isa sa bidang si Angelica Panganiban kung ano ang masasabi niya na nadamay siya sa problema ni Derek Ramsay at estranged wife na si Mary Christine Jolly.

As we all know, pati si Angelica ay sinampahan ni Mary Christine ng kasong concubinage dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Derek in the past.

Pero hindi ito sinagot ng aktres.

“Mapapahamak po ako, so, hindi ko po talaga pwedeng sagutin,” she said.

Ginagampanan ni Angelica sa Beauty in a Bottle ang role ng isang aktres na tumaba at binabatikos siya dahil dito.

May pagka-true-to-life actually dahil alam din naman ng lahat na hindi consistent ang figure ni Angelica. Minsan ay mataba, minsan naman ay payat.

At naba-bash din siya ng mga tao kapag mataba siya. Pero say ni Angeli­ca, hindi naman niya ito naging problema.

“Kasi ‘yun ako eh, choice ko ‘to. I mean, (kung) ngayon, gusto kong ga­win, kumain, mag-enjoy, ngayon kung ayokong mag-make-up, eto gusto ko, katawan ko ‘to.

“Kung hindi mo ‘to trip, kung hindi mo gusto, eh ano naman? Hindi rin naman kita gusto. So, pantay lang ‘di ba? It’s a tie.

“So, kapag nag-ayos ako, teh, sobra ko namang ganda. Parang next to God na ‘yung kagandahan. So medyo binibigyan ko lang ‘yung iba na med­yo i-bash ako. So, ‘yun ang ginagawa ko, nagpapakumbaba lang ako. Pinapakita ko lang na God is fair. Kaya minsan, hindi talaga ako nag-aayos, nagde-dress down ako. Kasi, ‘pag tinodo ko day, inggit kayong lahat,” say ni Angelica na ikinatawa ng lahat.

Pero aminado naman siyang hindi naman daw siya bato at naaapektuhan din minsan ng bashers.

“Siyempre, hindi naman ako bato, siyempre, may impact ‘yun, masasaktan at masasaktan ka talaga. Pero buti na lang din may pelikulang ganito. Malulusutan ko talaga ‘yung katabaan ko,” she said.

Pero may time naman daw na siya na mismo ay nandiri na sa sarili niya kaya nagpapayat na siya.

“Ay shit, ang taba, ganu’n. Saka kailangan na rin talaga sa movie,” she said.

Samantala, showing na ang Beauty in a Bottle sa Oct. 29 mula sa Quantum Films and Skylight Films. Kasama ni Angelica bilang bida ng movie sina Angeline Quinto and Assunta de Rossi.

Kasama rin dito sina Empress Schuck, Ellen Adarna, Tom Rodriguez, Nanette Inventor, Carmi Martin, Dimples Romana at marami pang iba mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

James natatakot mawala si Nadine

Nangangamba ang karakter ni James Reid na mawala sa buhay ni Anika (ginagampanan ni Nadine Lustre) sa pagpapatuloy ngayong weekend (Oktubre 18 at 19) ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym Presents My App Boyfie kung saan kasama nila si Dominic Roque.

Nang nalaman ni Joe (James) na gusto na siyang burahin ni Anika, magagawa niyang kunin at itago ang computer tablet nito para manatili sa babaeng pinaka-espesyal sa kanya.

 

vuukle comment

AKO

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINE QUINTO AND ASSUNTA

ANIKA

ANTOINETTE JADAONE

CARMI MARTIN

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with