^

Pang Movies

Rhian pinagtatawanan na lang si Mo Twister

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagagawa na ngayong tawanan ni Rhian Ramos ang isyu tungkol kay Mo Twister. Pero wala siyang balak na makita kahit ang anino ng DJ. Sa tanong ng press na dumayo sa taping ng My Destiny last Monday kung ano ang natutunan niya tungkol sa naging relasyon nila ni DJ Mo. “Don’t be stupid! Stupido naman talaga ako ‘di ba?” sabay tawa ng dalaga.

Samantala, plano ni Rhian na bumili ng sarili niyang ra­cing car para raw mas marami pa siyang event na masalihan. Hindi rin siya nag-alala na mapagkamalang tomboy dahil sa racing sports na pinagkakaabalahan niya ngayon.  Gusto niya ang mundo ng racing na kabaliktaran sa showbiz. Hindi niya raw kailangan maging maganda o mabango sa pangangarera ng kotse. Okey lang sa kanya ang maging madumi at walang makeup. Minsan na rin siyang naaksidente sa racing at nagkaroon siya ng pasa-pasa sa katawan, pero buhay pa naman daw siya, kaya tuloy pa rin ang pangangarera niya hanggang sa matuto at manalo balang araw.

Carla gustong maabot ang tagumpay ni Marian

Hanggang ngayong Friday ng umaga ay nagti-taping pa ang buong cast ng My Destiny para sa final episode ngayong gabi dahil nagkaroon pa ng revision ang hu­ling script nang nasabing palabas ng GMA-7.

Kaya naman lahat sila ay busy at hindi agad nahulaan ang ending.

Samantala, literal na busy si Tom Rodriguez at walang pahinga seven days a week sa trabaho niya at sa biyahe na lang ito natutulog.

Kaya mukhang hindi pa matutupad ang wish ni Carla Abellana na i-date siya ni Tom na gusto ng aktres ay makapagsolo silang dalawa.

Since hindi sila makapag-date, nagsilbi nilang bonding ang set ng My Destiny hanggang sa matapos ito. Marami silang nadiskubre sa isa’t isa habang ginagawa ito.

Nalaman ni Tom na magaling daw pala si Carla pagdating sa anggulo ng ilaw na ginagamit sa taping o shooting. Naitanong tuloy kay Carla kung gusto nitong maging direktor balang araw.  Curious lang daw ang aktres at pareho lang sila ni Tom na natuto ng trabaho sa likod ng kamera. Kaya napunta ang usapan kay Gina Alajar na magaling na director.  Hindi raw siya (Carla) maiilang na makatrabaho si Direk Gina kung sakaling makasama niya ito sa isang project. Magiging isang malaking karangalan daw ito para kay Carla at hihingi siya ng pointers sa magaling na director at nanay ng ex niyang si Geoff Eigenmann.

Wish din ni Carla na marating ang success ni Marian Rivera ngayon. Hindi raw alam ni Carla kung paano gagawin ‘yun, pero kung bibigyan siya ng chance ay ibibigay niya ang lahat.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

DIREK GINA

GEOFF EIGENMANN

GINA ALAJAR

KAYA

MY DESTINY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with