^

Pang Movies

Pokwang naghahabol para magkaanak!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nalawayan na naman ang labi ni Pokwang dahil sa American leading man niya na si Lee Obrien sa The Filipino Channel produced movie na Edsa Woolworth.  

Pero hindi nagtapos sa shooting nila sa San Francisco, California ang nabuong friendship dahil may communication pa rin sila at kung sakaling magkaroon ng premiere ang movie sa bansa bago ang showing nito sa January, gusto ng foreigner na December pa lang ay nasa bansa na siya.

“Hindi naman ako nag-i-expect! Huwag, huwag. Ayoko ring kasing mag-assume.

“Ang maganda sa amin, pareho kami ng trabaho kaya magkakaintindihan kami. Ang problema rito, ‘yung long distance,” pahayag ni Pokwang sa press na inimbitahan niya sa house niya sa Antipolo for a late lunch.

Pero may spark ba sa mga mata niya nu’ng magkasama sila sa shooting?

“Meron! Kasi mabait talaga siya eh. Sobrang mabait talaga siya. Gentleman siya at professional sa trabaho. Actually, may natutunan ako sa kanya.

“Oo, sweet siya! Kung meron tayong Robin Padilla rito na kung makaalalay sa leading lady, siya ganoon. Ganoon siya! Maalaga siya. Nakakahaba ng buhok! Chos!” rason pa ng komedyana.

May nararamdaman ba siyang pahiwatig mula kay Lee?

“Ikaw, pag-uwi mo ng Pilipinas, sasabihin sa ‘yo, ‘Keep in touch!’ Tapos, tawag, text, ‘di ba?

“Kasi ang sa kanya…Pareho kami eh. Not because tapos na ang movie, wala na tayo. Ayaw niya ng ganoon. Which is ako rin naman. Kasi sobrang everyday mong kasama, na-ano talaga ‘yung…Nakakalungkot! Na parang iiwan mo dahil ang sarap katrabaho,” katwiran pa ng komedyana.

May naibigay na ba?

“Binigyan niya ako ng tatlong wine. Koleksyon ng pamilya nila. Kasi ‘yon ang negosyo nila,” saad pa niya.

So in due time, ibibigay rin niya ang “flower” niya?

“Hindi pa. Hindi pa oras ng anihan! Ha! Ha! Ha!” dahilan niya.

Ano ‘yung partner ng wine para sa kanya?

“Depende. ‘Pag white wine, seafood. ‘Pag red wine, meat!” sey ng komedyana.

So ano ang wine na ibinigay sa kanya?

“Red?  So ang ibig sabihin nu’n, gusto niya ng laman! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Pokie.

“Ano naman ang usapan nating ito? Ha! Ha! Ha! Nakatabi ‘yung junakis (anak na si Mae)! Ha! Ha! Ha!” nahihiyang sabi ni Pokie.

Kelan ba siya huling “nasisid”?

“Wala na nga ‘yung dati at naging lagoon na! Ha! Ha! Ha! Natuyo na! Palaka na ang nakatira!” sakay niya.

Pero keri ba niya ang boyfriend na bagets?

“Eversince talaga, hindi ko keri. Mas bet ko talaga ‘yung…Kahit hindi afam. Older lang. Kasi ang dami kong inalagaan na kapatid na mas bata sa akin. Napagod na ako! Ha! Ha! Ha! Gusto ko ‘yung ako naman ang aalagaan! Hindi ko talaga type. ‘Yung gaya o or older than me!” dahilan ni Pokwang.

Puwede pa ba siyang magkaanak at type pa niya?

“Puwede pa ako! May three years pa ako! Huwag kang kumontra. May three years pa ako,” pagmamalaki niya.

Kelan na niya balak pabuntis?

“Bago ako mag-forty give, kailangang makaisa ako! Blue eyes! Ay! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Pokwang.

Aalis ng bansa si Pokie para sa concert series ng 4 Da Laffs nila nina K Brosas, Pooh, at Chokoleit. Magaganap ito sa Blaisdell Concert Hall sa Honolulu, Hawaii sa October 17. Susundan ito ng show sa Sam’s Town Casino sa Las Vegas sa October 19. Mula Las Vegas ay sa Pala Casino & Resorts sa San Diego sa Oct. 25 ang show nila, then sa Copernicus Theater sa Chicago sa October 31 at sa The Wellmont Theater sa New Jersey sa Nov. 2 ang last stop nila.

Bago umalis, magti-taping muna si Pokwang bukas at sa Mi­ yerkules ng bagong series na Nathaniel kasama ang The Voice Kids winner na si Lyca.

AKO

ANO

BLAISDELL CONCERT HALL

KASI

NIYA

PERO

POKWANG

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with