^

Pang Movies

Piolo hindi mapilit ang sarili na magka-gf

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Piolo Pascual, wala nang magagawa pa ang anak na si Iñigo next year kapag nagkaroon na siya ng girlfriend dahil tinupad na raw niya ang pangako niya rito na kapag 18 na ito ay saka pa lang siya makikipag-girlfriend.

Sa September, 2015 ay 18 years old na si Iñigo kaya puwedeng-puwede nang magkaroon ng lovelife si Piolo by then.

Wala na rin daw say si Iñigo kung sinumang babae ang pipiliin niya dahil siyempre nga naman, desisyon na niya ito.

 “At the end of the day, I’m still his father, it’s still my choice. Ang agreement naman namin is when he’s 18, pwede na. Kasi nga, I kind of broke his heart before because I promised him something and I didn’t do it.

So, after that I said, I’m keeping my word, up until you’re 18, that’s the time that I’ll get into a relationship.

“So, I’m keeping my word. So, whoever I choose when the time comes, nasa sa akin na siyempre ‘yun. Hindi naman siya ang makikisama kundi ako,” say ni Piolo.

Siya raw naman ay hindi mahigpit na ama at any­time ay pinapayagan daw niya itong magkaroon ng girlfriend. Kahit sinong babae raw ay okay sa kanya basta masaya ang anak.

Samantala, sa ngayon ay abala si Papa P sa kanyang Sunpiology Run na gaganapin sa Nobyembre 15 at sa kanyang seryeng Hawak Kamay na umeere sa primetime.

Kris tikom ang bibig sa pinagdaraanan ni Derek

Ilang araw na naming inaabangan kung may opinyon or nais sabihin si Kris Aquino sa prob­lemang pinagdaraanan ngayon ng kaibigang si De­rek Ramsay partikular na nga ang pagsasampa sa aktor ng kasong concubinage ng ex-wife nito, pero quiet lang ang Queen of All Media.

Gusto sana naming marinig kung ano ba ang masasabi ni Kris dito or kung ano ang nararamdaman niya para sa kaibigan na dumaraan ngayon sa matinding pagsubok.

Pero ang latest post ni Kris na umaani ngayong napa­karaming likes ay ang nirepost niyang picture ng dalawa niyang anak kasama si James Yap at ang girlfriend nitong si Michela Cazzola nang mag-bon­ding kamakailan ang mga ito.

Hitsurang happy family sina James, Michela, at dalawa niyang anak, okay lang ito kay Kris at nilagyan pa niya ng hashtag na “our version of fa­mily” ang caption niya.

Coco at Kim love story, happy ending daw

Inanunsyo na sa nakaraang teaser ng Ikaw Lamang na last two weeks na ang serye na pinagbibidahan nina Coco Martin and Kim Chiu.

Naging napakamatagumpay din ng serye simula nang umere ito noong Marso at laging top-rating mula book 1 kung saan kasama nina Coco and Kim sina Jake Cuenca and Julia Montes hanggang sa book 2 ngayon kung saan ay idinag­dag naman sa cast sina KC Concepcion, Christopher de Leon, Amy Austria, Rio Locsin, Joel Torre, Nonie Buencamino, and Mylene Dizon.

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang kung anon’g klaseng ending naman ang ibibigay dito nina Direk Malu Sevilla and Avel Sunpongco.

Nang makausap namin si Direk Malu recently sa ABS-CBN compound, siyempre, ayaw niyang sabihin kung ano ang ending, pero of course, bibigyan naman daw nila ito ng magandang ending.

Request namin sa kanya ay gawin itong happy ending at say niya, oo naman daw.

Well, dapat lang naman siguro this time ay matuloy na ang pag-iibigan nina Gabriel and Andrea (Coco and Kim) dahil sa book 1 ay nagkahiwalay ang mga karakter nilang sina Samuel and Isabelle.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

COCO AND KIM

COCO MARTIN AND KIM CHIU

DIREK MALU

DIREK MALU SEVILLA AND AVEL SUNPONGCO

KUNG

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with