^

Pang Movies

Salu-salo sa birthday ni Chiz sa garahe ng bahay ni Heart ginanap!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Birthday naman ni Senator Chiz Escudero noong Biyernes at 45-years old na siya.

Siyempre, ang kanyang girlfriend na si Heart Evangelista ang kasama ni Papa Chiz noong birthday niya at nagkaroon sila ng salu-salo sa garahe ng kanyang bahay sa Quezon City

Ikinuwento kahapon ni Heart sa Startalk na kabilang sina Mel Tiangco, Susan Roces, Eddie Garcia at GMA 7 Chairman Felipe L. Gozon sa mga principal sponsor sa February 15, 2015 wedding nila ni Papa Chiz.

Sinabi rin ni Heart na tinutulungan siya ng kanyang madir na si Cecile Ongpauco sa paghahanap ng wedding shoes na gagamitin niya.

Obvious na maayos na uli ang relasyon ng mag-ina or else, hindi mag-aalok ng tulong kay Heart ang kanyang mother dear.

Kahit nagkakaroon sila ng mga tampuhan, nagkakasundo si Heart at ang nanay niya kaya inaasahan na dadalo si Mrs. Ongpauco sa kasal ng kanyang anak kay Papa Chiz.

Tyra Banks nag-react sa ginawa ni Paolo

Si Paolo Ballesteros ang topic kahapon ng mga baklita dahil nag-react ang American TV host at supermodel na si Tyra Banks sa kanyang make up transformation.

Inilagay ni Tyra sa kanyang Facebook account ang litrato ng make up transformation ni Paolo na may caption na “ I think he did a great job of looking like me. But maybe if he’d have used #TYRAbeauty makeup, he woulda been more successful.”

Tuwang-tuwa ang mga vaklush dahil napansin ni Tyra ang talent ni Paolo. Bumaha ang mga comment sa Facebook account ni Tyra mula sa mga tao na all praises sa Eat Bulaga co-host.

I’m sure, naloka si Tyra dahil lampas na sa 1,500 ang comments sa kanyang post tungkol kay Paolo at hindi ako magtataka kung nawindang siya dahil hindi niya maintindihan ang mga nakasulat.

Mga Pinoy ang lahat ng sumagot sa post ni Tyra at Tagalog ang kanilang mga comment kaya imposible talaga na maunawaan sila ng sikat na TV host/supermodel.

Hindi nag-iisa si Tyra dahil napansin din ng production staff ng isang American tele­vision show ang talent ni Paolo sa make up transformation.

Nakikipag-ugnayan kay Paolo ang production staff member na gusto siya na i-feature sa sikat na US program.

Ang mainterbyu siya sa pamamagitan ng Skype ang request kay Paolo ng staff member. Malaking katipiran ito sa budget ng show dahil hindi na kailangan na ilipad nila si Paolo sa Amerika.

Ewan ko lang kung pumayag na si Paolo sa Skype interview dahil wala pang news mula sa kanyang kampo.

Kung ako si Paolo, hihintayin ko na lang na magkaroon ng katuparan ang pangungulit kay Ellen DeGeneres ng kanyang fans and supporters.

Kapag pumayag si Ellen na i-guest si Paolo sa Ellen, tiyak na paliliparin siya sa Amerika at mas marami ang makakapanood sa kanya dahil sikat ang television show ng American TV host na isa sa mga reason kaya nagkaroon si Charice ng career sa international scene.

Joey 68 years old na

Sa October 14 pa ang birthday ni Joey de Leon pero ipinagdiwang na niya kahapon sa Startalk ang kanyang 68th birthday.

Yes, 68-years old na si Papa Joey at hindi niya idine-deny ang kanyang edad. Good health and more rakets ang mga birthday wish ko kay Papa Joey.

vuukle comment

AMERIKA

DAHIL

KANYANG

PAOLO

PAPA CHIZ

PAPA JOEY

TYRA

TYRA BANKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with