Kaye sinagot ang pagkainggit kay Jodi
Sa presscon ng Two Wives ay natanong si Kaye Abad kung may inggit ba siya sa dating kasabayan sa Tabing Ilog na si Jodi Sta. Maria sa success na tinatamasa nito ngayon dahil sa Be Careful with My Heart.
“Actually I was very happy for her. Ganoon kaming magkakaibigan, suportahan talaga. Hindi naman puwede na sabay-sabay kayo. May mauuna, may susunod, may mahuhuli. So siguro nahuli lang ng konti. Nagpapasalamat lang talaga ako na ako ‘yung sumunod,” say ni Kaye
“Pero hindi, never, walang inggit. Masaya ako for her. Masaya talaga ako. Deserve naman niya ‘yon eh, hardworking naman talaga si Jodi,” dagdag pa ng aktres.
Tulad ni Jodi, medyo late na rin dumating ang big break for Kaye dahil after Tabing Ilog ay ngayon lang siya ulit magbibida. Ganu’n katagal. In the past ay puro supporting roles ang natatanggap niya pero walang reklamo ang aktres at thankful pa nga raw siya’t finally ay nabigyan siya ulit ng lead role.
Dating library, ginawa nang music hall
Nasa Viva Records na ulit si Top Suzara na dating bokalista ng Freestyle Band. Kasama na niya ulit ang isa pang ex-member na si Jinky Vidal na eversince naman ay nasa Viva na.
Nakausap namin sina Top and Jinky sa relaunch ng Music Hall (formerly The Library) sa Metro Walk, Ortigas last Wednesday night at say nila, okay na raw sila ngayon at maayos naman daw ang working relationship nila.
“That’s all water under the bridge,” say ni Top tungkol sa nakaraan.
Matatandaang nagkaroon ng misunderstanding ang mga miyembro ng Freestyle years ago partikular na ang magpinsang si Top and Tats kaya kinailangang umalis sa grupo ng una.
Later, si Jinky naman ang umalis sa grupo at ngayon ay pareho sila ni Top na solo artist na.
Pero aminado si Top na sobrang devastated siya nang time na umalis siya sa Freestyle but after sometime ay nagdesisyon na rin daw siyang bumalik sa music industry at nagsimula na ulit gumawa ng kanta at mag-record ng album.
Nag-perform sina Top and Jinky sa Music Hall nang gabing ‘yun bilang suporta na rin sa Viva na siyang solong nagmamay-ari na ngayon ng bar.
For this whole month of October, may mga special shows ang Music Hall that will feature some Viva artists. Side A on October 10, Restrospect with Jason Farol on Oct. 11, Aegis with Jek Manuel this Oct. 15, Southborder with Sheng Belmonte on Oct. 17, Juris with Jason Farol on Oct. 18, True Faith with Sheng on Oct. 24 and Jinky Vidal with Six Part Intervention on Oct. 31.
Bea at Paulo nagbabadyang ‘di magkatuluyan
Ngayong gabi na magtatapos ang Sana Bukas pa ang Kahapon na pinagbibidahan nina Bea Alonzo and Paulo Avelino. Sa huling teaser na ipinakita last Wednesday night ay parang nagbabadya na hindi magkakatuluyan sina Rose at Patrick na karakter ng dalawang bida.
Naaliw nga kami sa isang avid viewer ng serye na nag-post sa Instagram ng pagbabanta na lilipat daw siya from Kapamilya to Kapuso kapag hindi nagkatuluyan sina Rose at Patrick.
Definitely, ang SBPAK ay masasabing teleserye ni Bea at nakaya naman niya talaga itong dalhin nang higit pa sa inaasahan dahil napakahusay naman talaga ng performance na ipinakita niya all through out.
- Latest























