^

Pang Movies

Alden may edad ang gustong maging GF

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang suwerte ni Alden Richards dahil ang gaganda ng mga project ng GMA 7 para sa kanya. At ang latest ay isang game show na pinamagatang Bet ng Bayan. Laking tuwa ng poging aktor dahil ang ka-tandem niya rito ay si Regine Velasquez na paborito pala niya noong wala pa siya sa showbiz.

Noong Linggo, October 5, umere na ang nasa­bing programa, kaya tuwang-tuwa raw siya na feeling fulfilled na raw  ang career dahil sa pagiging host ng talent show. Noong mag-start sila ni Regine ng ta­ping ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Pero sinabihan siya ni Regine na “relax kaya mo ‘yan!”

Tinanong si Alden na baka ‘yung nerbyos niya ay may kaibang kahulugan. Baka  na-fa-fall  in love  siya sa kanyang idol. Natawa  si Alden at no comment  pero inamin  niya  na if ever  na mag-ka girlfriend,  type niya ang mas older sa kanya ng mga 2-5 years  old ang agwat. Ano ang “bet” ninyo,  okey kaya sa bayan or sa fans ni Alden  ang makarelasyon ay mas oldie  sa poging actor? 

Marion hindi napigilan na mag-showbiz

Ang tangkad ni Marion Aunor, good-looking at pang beauty pageant ang dating ng panganay na anak ni Lala Aunor  na pinsang buo ng Superstar na si Nora Aunor.

Sabi ni Marion, bata pa siya ay mahilig na siyang kumanta pero ayaw ng mommy niya na ma­ging singer o sumunod sa yapak nito. Mas prio­rity nito na magtapos ng kolehiyo at asikasuhin ang negosyong recruitment agency. Sinunod ni Marion ang gusto ng mommy niya na magkapagtapos ng college sa Ate­neo sa kursong management pero sadyang hindi na maawat ni Lala si Marion sa pagiging singer nito. Pinayagan na ni Lala ang anak na pasukin ang mundo ng musika Talaga raw malakas ang hatak ng du­gong mang-aawit na nananalaytay sa batang Aunor.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

AUNOR

LALA

MARION

MARION AUNOR

NIYA

NOONG LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with