Coco nabunutan na ng tinik sa dibdib, problema sa mga kababaihan naayos na!
Finally, pagkatapos ng mahigit dalawang linggong hirap na pinagdaanan ni Coco Martin because of his segment na Animal Within Me sa The Naked Truth fashion show na binatikos ng women’s groups, kahapon ay natuldukan na ang isyung ito and all’s well that ends well, ‘ika nga.
Nagkaroon na ng dialogue sa pagitan ni Coco at ng women’s groups na Gabriela at Philippine Commission on Women kahapon ng umaga at pagkatapos nito ay sabay-sabay silang humarap sa isang press conference.
Sa nasabing dialogue ay pormal at personal na nag-apologize si Coco sa mga nasabing grupo at buong puso naman itong tinanggap ng kabilang panig.
Humarap sa presscon si Coco kasama ang kanyang abogadong si Atty. Lorna Kapunan, ang representatives ng Gabriela na sina Liza Maza and Hon. Emmie de Jesus, ng PWC na si Emmeline Versoza, ang kinatawan ng UN Women na si Maimai Liori at UNIFEM (United Nations Development Fun for Women) na si Marilyn Orosa.
Naroroon din ang manager of course ni Coco na si Biboy Arboleda na talagang sobra rin ang hirap sa pinagdaanan ng alaga.
Moving forward na ang tema ng presscon dahil nga maayos na ang lahat. Hindi lang tinanggap ng grupo ang apology ni Coco kundi humanga pa sila sa aktor sa pag-ako nito sa kasalanan at paghingi ng tawad kahit hindi naman daw ito ang main responsible sa nangyari.
Ayon kay Liza, ang talagang masasabing pinaka-responsable sa nangyari ay ang management ng Bench at ang nag-organisa ng show pero tumayo si Coco para akuin ang kasalanan at mag-apologize.
“At napakaganda na gesture ‘yun on the part of a responsible artist na akuin mo at mag-apologize ka doon sa iyong partisipasyon,” pahayag ni Ms. Maza.
Ayon naman kay Coco, masayang-masaya siya ngayong okay na ang lahat.
“Para na akong nabunutan ng tinik at least, personal na akong nakapag-sorry sa lahat ng taong concerned, sa lahat ng mga kababaihang aking nasaktan at naapakan. Honestly, siguro, ngayon, nakakangiti na ulit ako,” pahayag ng aktor.
Aminado rin naman ang Ikaw Lamang actor na marami siyang natutunan dahil sa nangyaring ito. Unang-una, rito niya raw nakilala ang mga tunay niyang kaibigan.
Isa sa pinasalamatan ni Coco ay ang Aquino family lalo na nga ang kanyang Ate Kris Aquino.
“Isang araw, tinext ako ni Ate Kris para sabihin lang kung okay lang ako, “okay ka ba? Gusto naming maramdaman mo na nandito kami para sa ‘yo.”
“Hindi ko inaakala na sa lahat ng tao, sila ‘yung magri-reach out at lalapit para iparamdam ‘yung suporta at pagmamahal sa akin. Kasi, wala naman kaming communication sa mahabang panahon, nagkikita lang.
Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang manager na si Biboy Arboleda na talagang hindi siya pinabayaan hanggang sa dulo ng isyung ito. Dito raw nasubukan ang katatagan ng relasyon nila bilang manager at talent at dito rin niya nakita kung hanggang saan siya kayang ipaglaban ng manager.
Natanong din ang aktor kung kumusta naman ang relasyon nila ng Bench ngayon at ayon sa aktor, bagama’t hindi pa sila nagkakausap ng big boss na si Ben Chan, nag-text naman daw ito at nagpadala ng flowers sa kanya at sa manager niyang si Biboy Arboleda.
“And then, nagse-set siya ng meeting, at least, para makapag-usap kami. Kasi para sa akin naman po, honestly, ayoko namang magkaroon ng issue or hindi magandang... kasi 6 years po akong tinulungan at inaalagaan ng Bench.
“Itong pangyayaring ito, sabi ko nga, mayroon kaming mga natutunan sa bawat anggulo ng aming propesyon or trabaho. Siguro dapat kaming magkaroon ng komunikasyon para makapag-usap about this issue or kung ano ang dapat naming gawin or kung ano ang mga bagay na natutunan namin para rito.
“Pero sana po, ako, inaano ko na maging maayos sana ang lahat. Hindi pa lang kami napagbibigyan ng pagkakataon na makapag-usap personally, nakapag-usap pa lang kami tru text,” say ni Coco.
Wala raw silang tampuhan at ayaw naman daw niyang magkaroon ng lamat ang maganda nilang pinagsamahan sa loob ng 6 na taon.
“Lahat naman po ng bagay, nadaraan sa matino at maayos na pag-uusap,” he said.
- Latest