^

Pang Movies

Mukhang mahihirapang sumikat Hitsura ni Iñigo waley binatbat sa amang si Piolo!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi maiiwasan na magdusa ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo sa pagkukumpara sa anak. Nakita namin sa ASAP kahapon ang teenager at malayung-malayo ang kaguwapuhan kay Piolo, huh! Eh, may twang pa ang English niya kaya lalong maaasiwa sa kanya mga mga tao, huh!

‘Di hamak naman na mas guwapo si Piolo sa anak. Kaya nga pinabalik niya ng bansa matapos lumayas nu’ng nasa That’s Entertainment pa siya, huh!

Eh, napanood namin ang TV plug ng show ni Iñigo. Waley din sa akting. Eh nu’ng bata-bata pa si Piolo, may future na talaga sa aktingan, huh!

Of course, Piolo will not throw his weight sa mga bosses ng Star Magic para sumikat din ang anak. Pero kahit i-push nang i-push ang bagets, feeling namin ay mahihirapan siya.

Eh sa showbiz, hindi porke sikat ang mga magulang, it follows na sisikat din ang anak, huh!

KC at Paulo hindi talaga bagay

Tinutuksu-tukso si KC Concepcion nang siya ang maatasang mag-interview kina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa ASAP kahapon. Normal lang naman ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na kinausap si Paulo.

Sa pahayag ni Paulo sa nakaraang interviews, best of friends lang daw sila ni KC. Naku, manatili na lang sila sa friendzone dahil hindi kami nababagayan sa dalawa.

Unless, hindi pa rin nawawala ang pagkagiliw ni KC sa mga unwed father gaya ni Piolo na naging boyfriend niya, huh!

Biglang naging psychic,

Kylie hinulaan ni Mother Lily na bobongga ang karir

Umiral muli ang pagiging psychic ni Mother Lily kay Kylie Padilla sa presscon ng unang movie sa Regal ng dalaga ni Robin Padilla na Dilim.

“She will make it in showbiz!” deklara ni Mother Lily na bihasa na sa showbiz pagdating sa artistang may kinabukasan bilang artista.

Kaya naman hindi pa man ipinalalabas ang Dilim, heto at naka-line up na si Kylie na makasama sa cast ng Tsinoy na ididirek rin ni Joey Javier Reyes.

Sa presscon last Saturday nina Kylie at kaparehang si Rayver Cruz, consistent pa rin siya sa pagsasabi na inspirado siya sa team up nila ng aktor. Ayaw nga lang niyang pangunahan ang damdamin niya dahil gusto niyang maging secured talaga ang feelings niya.

Komo nga nakakakita ng multo sa movie si Kylie dahil may third eye, ayaw naman niyang sabihin na isang multo ng kahapon ang dating boyfriend na si Aljur Abrenica, huh!

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BEA ALONZO

DILIM

GABBY CONCEPCION

HUH

JOEY JAVIER REYES

MOTHER LILY

PAULO

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with