^

Pang Movies

LJ Moreno hindi agad nadiskubreng apat na buwang buntis

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Baby girl ang isisilang ni LJ Moreno sa December at exci­ted na sila ng kanyang mister na si Jimmy Alapag sa nalalapit na pagdating ng kanilang anak.

Nag-retire na si Jimmy bilang player ng Gilas Pilipinas pero hindi siya mababakante o mawawalan ng mga ginagawa dahil sa coming soon baby daughter nila ni LJ.

Apat na taon ang ipinaghintay nina LJ at Jimmy. Ang akala nga nila, hindi na sila mabibiyayaan ng anak.

Actually, may alam ako na kuwento tung­kol sa mag-asawa na gustung-gusto na magkaroon ng anak. Hindi ko na lang ikukuwento bilang respeto sa kanilang privacy. Mas mahalaga na may malaking blessing sila na natanggap mula kay Lord at may kinalaman ang kuwento na nalalaman ko.

Kung hindi pa nagkuwento si LJ tungkol sa pagbubuntis niya, hindi malalaman ng publiko na magiging nanay na siya dahil magkasama pa sila ni Jimmy sa Spain nang lumaban sa 2014 FIBA ang team ng kanyang asawa. Si LJ at ang kanyang ipinagbubuntis ang isa sa mga nagbigay ng suwerte sa Team Gilas Pilipinas.

A whole new world ni Lea sa kanilang tour ni Il Divo sa Europe pinupuri-puri

Nakaka-proud ang muling pagkanta ni Lea Salonga ng A Whole New World sa  A Musical Affair, ang European tour nila ng sikat na opera group na  Il Divo.

Ang Il Divo ang kasama ni Lea nang kantahin nito ang theme song ng Aladdin ng Walt Disney na inawit niya 22-years ago.

Pinupuri ang pagkanta ni Lea dahil ang sabi ng mga music critic, outstanding ang kanyang pagkanta. Dati nang maganda ang singing voice ni Lea pero lalo raw gumanda makalipas ang dalawang dekada.

Ang ET Online ang nag-publish ng nakaka-proud na article tungkol sa performance ni Lea na ibinabahagi ko sa inyo. Ang American writer na si John Boone ang sumulat ng review na may title na A Whole New World. Same Beautiful Voice:

“Lea Salonga, a Tony Award-winning performer and coach for the Philippines edition of The Voice, originally contributed the singing voice of Disney’s Jasmine back in 1992 (the character was also voiced by Linda Larkin).

 “But 22 years later, she still sounds just as lovely singing A Whole New World, this time with opera group Il Divo taking over the Aladdin portion of the duet. Lea will be touring with Il Divo for the European leg of their A Musical Affair tour.

 “So if you want to experience this perfection live, you’ll need to make your way across the pond this month.”

Mikael may pangakong hindi pa natutupad

May mga nagtanong pa rin kay Mikael Daez sa presscon ng Ang Lihim ni Annasandra tungkol sa kanyang girlfriend na si Megan Young.

‘Yung ibang reporter, dedma na sa pagtatanong kay Mikael dahil alam nila na limitado ang kanyang isasagot kapag ang lovelife niya ang topic.

Hinihintay naman ng ibang reporters ang pagwawakas ng reign ni Megan bilang Miss World 2013.

Natatandaan pa nila ang sinabi noon ni Mikael na meron silang important announcement ni Megan kapag inilipat na nito sa iba ang kanyang Miss World title and crown.

Hoping ang mga reporter na hindi pa nalilimutan ni Mikael ang salita na binitiwan noong nakaraang taon, ilang buwan matapos koronahan si Megan bilang Miss World.

                               

 

vuukle comment

A MUSICAL AFFAIR

A WHOLE NEW WORLD

IL DIVO

LEA

LEA SALONGA

MEGAN

MIKAEL

MISS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with