^

Pang Movies

Isabel parang asawa na talaga, wifey na ang tawag ni John

- Vinia Vivar - Pang-masa

Wifey na ang tawag ni John Prats sa kanyang fiancée na si Isabel Oli. Matatandaang katatapos lamang mag-propose ng aktor sa girlfriend na pinag­hirapan niya talagang i-set-up.

Nag-duet ang dalawa kahapon sa ASAP at say ng aktor sa kanyang panayam, naisip daw niyang mag-create ng flash mob dahil hilig nga niya ang pagsasayaw.

“If there is one thing na labis ko pinagpapasalamat, ito ay ang chance na makasama ng habambuhay ang aking wifey, the woman of my dreams,” say pa ni John.

Sa panayam naman kay Isabel sa Banana Split, sinabi ng aktres na sobrang na-touch siya na makitang nagsasayaw si John dahil first time raw niya itong nakitang magsayaw nang live.

Ikinuwento rin ni Isabel na talagang wala siyang kamalay-malay na magpu-propose ang boyfriend nang gabing iyon dahil ang alam lang niya ay dadalo sila sa birthday ng mommy ni John.

Nakita raw niya si Sam Milby na nagpi-piano sa labas ng boutique sa Eastwood at hindi naman daw siya naghinala until lumabas na sila ng mall.

“Basta may nanghila na lang sa akin, akala ko magbebenta siya ng credit card. Madaming nangyari tapos parang ang gulu-gulo,” say ni Isabel.

Nang makita raw niya ang AVP, doon na raw niya naisip na iba na ito. Hanggang sa makita na raw niya si John.

Say ni Isabel, sobrang thankful daw siya na dumating si John sa buhay niya.

Sheena gusto nang magkaanak pero wala pang BF

Hindi ba naiinggit si Sheena Halili sa mga ka-batch niya sa Starstruck na may mga anak na?

“Siyempre, naiisip ko rin ‘yun,” say ni Sheena nang makatsikahan namin sa isang pocket presscon, “pero siyempre, in time. Minsan, ‘pag nag-uusap-usap lang, lalo na nung birthday nung anak ni Yasmien (Kurdi), may bitbit sila (na anak), sabi ko nga, bitbitin ko kaya si Binoy.

“Wala, ganu’n lang, biruan lang.

“Inggit? Mahilig din kasi ako sa bata, eh,” she said.

Pero wala raw siyang boyfriend right now although may masugid siyang suitor ngayon at aminado siyang nakalalamang na ang manliligaw na ito sa puso niya. Non-showbiz ang guy pero ayaw na niyang magbigay pa ng detalye.

Samantala, Sheena is now under Becky Aguila’s management co-managed by GMA Artist Center. Kasisimula lang daw ng kontrata nila last Sept. 1.

When asked kung bakit naisip niyang kumuha ng co-manage while for the longest time ay solo siyang hina-handle ng GMAAC, say niya ay ipinagdasal din daw niya ito kay God.

“Ipinag-pray ko kay God kung ano ang magandang move ko para sa susunod kong kontrata, para mas ma-maximize ko ‘yung ako mismo.

“Nanghingi rin ako ng advice kay Jen (Jennylyn Mercado who’s also being managed by Tita Becky), sinabi niya si Tita Becky, tapos ‘yun nga, lumapit ako kay Tita, sabi ko, expired na po ‘yung contract ko, ganyan-ganyan.

“Ang ano naman niya, dapat okay sa Artist Center and nakita ko rin na iba na rin naman kasi ang Artist Center ngayon, mas tutok na sila sa mga artista nila and mas nag-improve na rin ‘yung mga artista.

“So, nag-renew ako sa Artist Center with tita Becky. Kasi, parang feeling ko, mas kailangan ko lang ng. . .’yun nga, si Tita kasi, parang hindi lang siya talaga manager, para din siyang Mommy, so, mas kailangan ko ‘yun. Mas kailangan ko lang ng personal. . . (touch),” say ni Sheena.

vuukle comment

ARTIST CENTER

BANANA SPLIT

BECKY AGUILA

ISABEL OLI

JENNYLYN MERCADO

LANG

NIYA

SHEENA

TITA BECKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with