Sexy actress at mister ng singer-actress tuloy ang bawal na relasyon!
Marami na pala ang nakakaalam sa bawal na relasyon ng ex-sexy actress at ng mister ng isang singer-actress.
Imposibleng hindi alam ng singer-actress ang pagtataksil ng kanyang asawa or magaling lamang siya na magpanggap para hindi tuluyan na mawasak ang kanilang pagsasama. Puwede rin na nagpapakamartir ang singer-actress alang-alang sa anak nila ng kanyang unfaithful husband.
Sirang-sira na ang image ng former sexy-actress na ipinangangalandakan pa ang pakikipagrelasyon sa mhin na pamilyado na. Asking ang mga sympathizer ng singer-actress kung kanino at saan nanghihiram ng kapal ng mukha ang babae sa relasyon nila ng kanyang mister na makapal din ang mukha at walang kahihiyan.
Sikat na talaga, aksidente ni James big news
Star na talaga si James Reid dahil pinag-uusapan ang nangyari sa kanya sa Cosmo Bash noong Miyerkules.
Kung ibang nameless model ang nalaglag mula sa stage, tiyak na dedma lang ang mga tao pero dahil si James ang biktima, big news ang freak accident na naranasan niya.
Masuwerte si James dahil hindi tumama ang ulo niya sa sementadong sahig nang malaglag siya or else... ‘Yun nga lang, nagalusan ang braso ni James na parang ang hapdi-hapdi nang ma-sight ko.
May lesson na matututunan sa nangyari kay James, mag-ingat kapag nasa stage at kung puwede, huwag nang magsuot ng shades lalo na kung madilim na madilim ang paligid.
Hindi na kasi napupuyat, Aljur fresh na fresh ang hitsura
Surprise guest sa Cosmo Bash si Aljur Abrenica dahil rumampa ang kanyang kapatid na si Vin Abrenica.
Napansin ng mga baklita na fresh na fresh ang hitsura ngayon ni Aljur na hindi nakapagtataka dahil kumpleto siya sa pahinga.
Hindi na napupuyat sa mga taping si Aljur dahil wala nasiyang teleserye na ginagawa. Luz Valdez na rin ang mga guesting niya sa mga programa ng GMA7.
At least, positive pa rin ang mga feedback tungkol sa physical appearance ni Aljur. Depressing naman kung wala na nga siyang mga project sa Kapuso Network, ngarag pa rin ang kanyang itsura dahil sa kawalan ng mga pinagkakaabalahan.
Mismong ang fans ni Aljur ang nagsasabi na wrong move ang pag-alis niya sa kanyang mother studio.
Ruru at Gabrielle maganda ang chemistry
Bida na ang loveteam nina Ruru Madrid at Gabrielle Marquez sa isang episode ng Seasons of Love ng GMA7.
Napansin ang good chemistry ng loveteam nina Ruru at Gabrielle sa mga eksena nila sa My Destiny kaya sila ang napili na magbida sa bagong early primetime teleserye ng Kapuso Network.
Off-cam, malakas din ang chemistry nina Ruru at Gabrielle. May hinala ang mga tao sa kanilang paligid na mauuwi sa totohanan ang tuksuhan na magkakaroon ng relasyon ang mga bagets.
Napakabata pa ng dalawa dahil 16 years old pa lang si Ruru at 15 years old si Gabrielle. Mga mukhang binata at dalaga lamang sila dahil sa kanilang mga height pero kung makakausap n’yo sila, lumilitaw ang kanilang pagiging bagets.
- Latest