^

Pang Movies

Female celeb parang may sumpa ang mga kamay, lahat ng hawakan nasisira at nababasag!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malaki ang makakaltas sa talent fee ng female celebrity na ito dahil sa ilang gamit na nasira niya habang nagti-taping sila sa isang bahay na inupahan ng isang TV network.

“Walking Disaster” ang tawag ng production staff sa female celebrity dahil kung ano raw ang mahawakan nito ay nasisira niya kaagad. Kaya tuwing may hahawakan ito, pinagsasabihan ng production staff ang handler nito na bantayan dahil baka makabasag o makasira na naman ito ng kagamitan.

“Ibang klase ang sakit ng babaeng ‘yan. May sumpa yata ang mga kamay kasi lahat ng hawakan niya, kung hindi mabasag, nasisira,” natatawang kuwento ng source namin.

“Tulad na lang noong may eksena siya sa kusina. Sisindihan lang niya ang stove kasi kiyemeng may lulutuin siya. Biruin mo ba namang ayaw nang sumindi ng stove. Mali kasi ang pag-ikot niya kaya hayun may naputol na parang igniter. Buti at hindi sumabog ang stove, ‘di ba?

“Noong sabihin namin sa may-ari, siyempre na­galit dahil libu-libo pala ang halaga noong stove. Buti na lang mapapalitan ‘yung naputol pero ang mahal ng halaga. Kaya tanggal ‘yun sa TF ni female celebrity.”

Isa pang insidente ay noong buksan daw nito ang refri­gerator. Bigla raw naglaglagan ang mga laman nito at nabasag lahat sa sahig.

“Ewan ko naman kung ano ang kamalasan ng babaeng ‘yan. Simpleng eksena, buksan lang ang ref at may kukunin siya sa loob. Aba, noong buksan niya, ewan ko kung ano ang ginalaw niya sa loob at biglang nagbagsakan lahat sa sahig ang laman ng ref!

“Hay jusko, grabe at mga imported pa naman ang mga nabasag na mga pagkain. Siyempre, naimbiyerna na naman ang may-ari, binayaran namin ang laman ng ref na nabasag. Inabot kami ng higit na limang libo!

“Hayun bawas ulit sa TF ni female celebrity na may kung anong kamalasan ang mga kamay!” natatawang kuwento pa ng source namin.

Buti na lang daw at maraming raket ang female celebrity kaya mababawi nito ang mga binawas sa TF niya.

Eva napaiyak, hindi makapaniwalang nanay na

Proud parents ang Hollywood couple na sina Ryan Gosling at Eva Mendes pagkatapos manganak ni Eva sa kanilang baby girl ilang araw na ang nakalilipas.

Pero very private pa rin ang dalawa pagdating sa kanilang samahan. Kahit na nga may mga tsismis noon na buntis si Eva, hindi niya ito inaamin sa press.

Hanggang sa isilang na nga ni Eva ang kanilang baby girl at doon lang nakumpirma ang lahat.

 “Ryan is madly in love with the baby,” sey pa sa isang article ng People magazine.

Tawag na nga ng 33-year old actor sa kanyang 40-year old girlfriend ay “mommy”.

Tutulong daw ang mga parents nila Ryan at Eva sa pag-alaga sa baby girl nila.

 “Ryan’s mom and Eva’s mom have both been helping. They have both been great. The grandmothers are both very excited and both very hands-on – as much as they can be.”

Hindi pa rin nga makapaniwala si Eva na isang mother na siya. Minsan daw ay nahuli ito ni Ryan na umiiyak dahil sa sobrang saya nito sa kanilang anak.

 “Eva has never been happier. She and Ryan are just in awe of this beautiful person they created. It’s a really special time for them,” pagtatapos pa ng People.

vuukle comment

BUTI

EVA

EVA MENDES

KAYA

NIYA

RYAN

RYAN GOSLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with