^

Pang Movies

Marian naiyak sa ginawa ni Dong

- Vinia Vivar - Pang-masa

Namanhikan na pala si Dingdong Dantes kasama ang kanyang mga magulang sa girlfriend na si Marian Rivera.

Sa Instagram post ni Marian kahapon ay makikita ang larawan nila ni Dingdong kasama ang kani-kanilang magulang. Apparently, pormal nang hiningi ng aktor ang kanyang kamay sa kanyang mga magulang last Wednesday night.

Nakasaad sa caption ni Marian kung gaano siya nagpapasalamat sa Diyos sa pagkakaroon ng dalawang pamilya na mahal na mahal siya.

 “I had tears of joy last night because I felt so va­lued and blessed. I am so grateful to have my family by my side, to support and love me, unconditionally.

“To the Dantes family, thank you for making me feel welcome, thank you for the respect, and for showering me with love for over the past 5 years. Thank you Lord for giving me these two beautiful families in my life,” post ni Marian.

Tatlong buwang mahigit na lang ang binibilang nina Dingdong at Marian pati na ang kani-kanilang pamilya’t mga kaibigan para sa grand wedding na gaganapin sa Dec. 30.

LJ napapayag magpakita ng boobs habang nagpapadede

Napapayag si LJ Reyes na magpakita ng kanyang boobs sa indie film na Bigkis under BG Productions International na pag-aari ng bagong producer na si Ms. Baby Go. Pero sa paraang hindi bastos dahil sa movie ay nag-breastfeed siya ng kanyang baby.

“Hindi naman po totally na ipinakita ‘yung breast ko, kung baga, ipinakita po talaga na nag-breastfeed ako,” say niya nang makausap namin siya sa presscon kahapon.

Paano siya napapayag na ipakita ang kanyang boobs?

“Kasi po, sa totoo lang po, ngayon kasi medyo nagiging wide na ‘yung knowledge ng tao about breastfeeding, bumabalik na tayo sa natural ways, pero for a time, especially nung si Aki (her son) ay baby pa, parang nagiging awkward na nagni-nurse ka ng anak mo, na dapat ay hindi. Na parang ‘pag nakita ka ng tao, “ay bakit ka nagpapadede?”

“Parang gusto kong i-open din ‘yung mga mata ng tao na hindi po ito bastos, ‘yung ganu’n. Ito po ay isang natural na paraan para palakihin ang iyong anak,” she said.

Sa totoong buhay ay nagpa-breastfeed din si LJ sa anak nila ni Paulo Avelino na si Aki na 4 years old na ngayon. Matatandaang matagal-tagal na rin silang naghiwalay ng aktor at maayos naman daw ang relasyon ng mag-ama kahit hiwalay na sila.

Pero sila ni Paulo ay civil naman daw ang kanilang relasyon.

“Very civil lang po kami and I wish na someday, we’ll be good friends para ‘di ba, it’s gonna be easier for us to raise our child together.”

Sa ngayon, wala raw chance talaga ng reconciliation between the two of them at happy naman daw sila sa kani-kanilang buhay ngayon.

 

vuukle comment

AKI

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

MS. BABY GO

PAULO AVELINO

PERO

PRODUCTIONS INTERNATIONAL

SA INSTAGRAM

TO THE DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with