^

Pang Movies

Huli sa akto young couple na bawal pang maghalikan sa pelikula at TV, walang puknat ang halikan sa parking ng isang mall

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Caught in the act ng aming source, Salve A., ang wari mo daw ay walang puknat na halikan, between two young celebrities, habang lumalakad sila (yes, lumalakad nang dahan-dahan), patungong elevator, matapos nilang mai-park ang kanilang car sa basement ng isang malaking mall sa The Fort.

While their pagiging magsyota is common knowledge, pareho ring wholesome ang kanilang image.

Clue: they are finally doing a series together kung saan ‘di raw sila magkakaroon ng kissing scene.

Sabi kasi ng handlers ng dalawa: Hindi pa sila pinapayagang makipag-kissing scene ng kani-kanilang talent managers either sa big or small screen.

Baka nga naman makasira ng kanilang image.

Kambal ni Sen. Chiz excited nang magka-mommy ng dalawa

Making up with fiancée Heart Evangelista’s parents is obviously hindi ang priority ni Senator Chiz Escudero. Specially because both of them are busy preparing for their upcoming wedding on February 15, exactly isang araw matapos ang ika-30 kaarawan ni Heart.

All he needs nga naman is to prove to Heart’s parents, especially Heart’s Mom, that he was serious with her daughter, kaya nga niya ito pakakasalan.

At pangako rin niyang magiging tapat siya kay Heart bilang asawa at ama ng kanilang magiging mga anak.

Common knowledge that Cecile (Ongpauco, Heart’s Mom) is frank and honest with what she thought of Senator Chiz’ personality. Ang alam daw kasi niya sa Senator, naglalasing ito at iresponsable.

To add insult to injury wika nga, nakiayon sa ipinahayag ng asawa tungkol kay Senator Chiz si Rolly (Ongpauco, father ni Heart).

In fairness, ipinaglaban ni Heart si Senator Chiz sa kanyang mga magulang. Bagama’t alam niyang ikinasama ito ng loob ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina.

Bagama’t latest report said that Heart’s father somehow had relented and have started na makipag-usap kay Heart, still, ’di niya sinisiguro sa bunsong anak na dadalo siya sa kasal nito.

Which is a pity, dahil kaugalian na natin ito sa Pilipinas. Bilang highlight sa isang kasalan ang ihatid ng kanyang ama sa altar ang bride.

Saka naman iwe-welcome ng groom ang kanyang bride, who, after giving her dad a quick kiss, will immediately place her right arm sa kaliwang braso naman ng lalaki.

Well, ang desisyon ni Heart, as of now, is to march to the altar in her wedding gown, minus an escort.

In Senator Chiz’ family, there’s no doubt, na welcome na welcome si Heart ng Escudero family.

If you recall, Senator Chiz proposed to Heart in Sorsogon, his home province in Bicol, in the presence of his Mom (ulila na siya sa ama) and twin children, Cheesy at Quino.

In an interview with Kris Aquino, in the late night show, Aquino & Abunda Tonight, binanggit ni Senator Chiz kay Kris that prior to his proposal kay Heart, he talked to his twins, five years old, and told them about his plan to remarry. And that, si Heart nga ang kanyang pakakasalan.

Ang kaagad naging reaction daw ni Cheesy, ‘di dalawa na raw ang magiging mommy nila ni Quino, their real mom and Senator Chiz first wife, Tintin Flores, and si Heart nga.

As is common knowledge, ang kasalang Escudero at Ongpauco (real surname ni Heart) will happen in Balesin Island, in Quezon Province.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BAGAMA

BALESIN ISLAND

CHIZ

HEART

HEART EVANGELISTA

ONGPAUCO

SENATOR

SENATOR CHIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with