^

Pang Movies

Carla ipinatatayo na ang magiging bahay nila ni Tom?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Eat your heart out, Geoff Eigenmann! Kinuhanan kasi ni Carla Abellana ang isang construction ng isang bahay. Pati nga meeting niya sa kanyang architects ay naka-post sa Instagram ng aktres, huh!

Dream come true ang message ni Carla sa account niya. Take note na bukod pa ito sa isang bahay na nabili niya sa scout area sa QC, huh! Para kasi sa lola at mother niya ang bahay na una niyang nabili.

Isa kasi si Carla sa artista na­ting she won’t stop at anything upang matupad ang pangarap sa kanyang pamilya. Gusto rin niyang kapag nag-asawa na siya, eh meron dapat bahay para sa kanilang mag-asawa.

Could it be Tom Rodriguez na kapareha niya sa My Destiny? Kasi ayon sa ilang quarters, naglilihim lang ang dalawa na walang relasyon. The truth is, sila na ngang talaga nu’n pa man na nahiwalay na sila sa kanilang mga karelasyon, huh!

Si Tom ang very vocal sa pagsasabing inspirasyon niya ngayon si Carla. Nananatili nga lang tikom ang bibig ni Carla kung umakyat na sa next level ang friendship nila ng aktor, huh!

Alalay ng artista iNiHingi ang amo ng loot bag na para sa press

Natawa naman kami sa isang staff ng PR ng isang network nang mamigay siya ng giveaways para sa press sa isang event. May humingi sa kanya na hindi naman press at mukhang alalay ng isang artista sa cast.

Binigyan naman ng PR staff ang alalay dahil marami naman ‘yung giveaways. Pero after ilang minutes, aba, bumalik ang alalay at humihingi pa ng isa para sa kanyang amo na artista.

May himig pagtataray ang sagot ng staff at sina­bing para sa press ang giveaways at hindi para sa mga artista, huh!  Galing sa ibang artista na nasa cast ang loot bag at hindi sa alagang artista ng alalay, huh!

Chanda may banta agad sa mga bida ng Strawberry Lane

Winarningan agad ni Chanda Romero ang kabataang artista na kasama niya sa bagong GMA series na Strawberry Lane na makakatikim sa kanya ng hagupit kapag pinairal ang unprofessionalism sa set!

Ang teen cast ng series ay sina Bea Binene, Jake Vargas, Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Jeric Gonzales, Joanna Marie Tan, Rita de Guzman, at Joyce Ching.

“So far naman, we have shot for three days only. Professional naman silang apat (Bea, Kim, Joana, Joyce). Walang pasaway so far.

“’Pag pasaway kayo, humanda kayo sa akin! Tototohanin ko ang role ko! Ayoko naman silang maging kampante sa akin kaya tinitimpla ko pa sila!” pahayag ni Chanda sa press launch ng movie.

Veteran actress na sina Tita Boots at Chanda parehong ini-enjoy ang pangalaWAng glorya

Nasa cast din ang kakakasal na si Boots Anson-Roa. Kung second time na ni Tita Boots, si Chanda ay first time magpakasal although nakatikim na ng live in.

“I’ve never been married. Pero this is the first time. So never say never!” sabi ni Chanda.

So kumusta naman ang sex life niya?

“Great!” deklara ng veteran actress. “Much better!” dagdag niya.

Naloka nga ang lahat sa presscon nang tanungin din namin si Tita Boots tungkol sa sex life niya.

“Tingnan natin kung papaano tatalakayin ng isang Jun Nardo about sex!

 “Unang-una, nagpapasalamat ako sa nasa Itaas at sa iba pang malaki ang role sa relationship namin ni Atty. King Rodrigo. Ipinakita sa amin na may second chances…Sa edad kong ito na 69 at siya, 71, makakaranas pa pala ako ng tinatawag na ikalawang glorya!” pagmamalaki ni Tita Boots.

vuukle comment

ARTISTA

CARLA

CHANDA

ISANG

NAMAN

NIYA

STRAWBERRY LANE

TITA BOOTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with