^

Pang Movies

Red, JC, at Juvy mananakot gamit ang mga manika

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mabibigyang buhay ang pinakakinatatakutan ng bawat ina sa nalalapit na horror-drama ng Star Cinema, ang Maria Leonora Teresa. 

Sa ilalim ng direksyon ng blockbuster direktor na si Wenn V. Deramas at sa panulat ni Keiko Aquino, isang horror-drama na maituturing ang Maria Leonora Teresa at ito ay angkop para sa buong pamilya. Umiikot ang istorya nito sa mga namatayan ng mga anak dahil sa isang brutal na aksidente. Labis na nagluksa ang mga magulang na sina Faith, Julio, at Stella dala ng trahedyang ito. Gagawin ng tatalo ang lahat upang manatiling buhay sa kanilang alaala ang kanilang mga anak. Hihingi ng tulong ang tatalo sa isang doktor na siyang  magbibigay ng mga manika na kamukhang-kamukha ng kanilang mga anak. Kakaiba man ang solusyon na hatid ng doktor, tatanggapin ito ng mga naulilang magulang.

Dapat pansinin na lilihis si Deramas sa kau­naunahang pagkakataon sa comedy genre na siyang dahilan kung bakit siya napamahal sa buong Pilipinas. Maghahabi siya ng isang istoryang punong-puno ng kakatakutan at iyakan sa Maria Leonora Teresa. “Ito ang unang horror ko at sobra akong excited,” pahayag ni Direk Wenn.

Binubuo ng ilan sa pinakamahuhusay na artista ang pelikula na kinabibilangan nina Iza Calzado Zanjoe Marudo, at Jodi Sta. Maria. 

Ito ang unang horror film ni Iza sa Star Cinema. Muli na namang ipapamalas ni Iza ang kanyang husay bilang isang dramatic actress sa pelikulang ito na isinasalawaran niya bilang “exciting at challenging.”

Si Zanjoe ay magpapahinga muna sa comedy sa kanyang pagganap sa papel ni Julio.  

Si Jodi, na kilalang-kilala ngayon sa kanyang pagganap sa papel ng fun-loving at masayahing si Maya sa groundbreaking at top-rating daytime series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart, ay isa sa pinaka-versatile na actress sa industirya na mahusay at epektibo bilang bida at kontrabida.

Gagampanan naman ng tatlo sa pinakamagagaling na child stars ng industriya ngayon na sina Red Bustamante, JC Movida, at Juvy Bison and title roles nina Maria, Leonora, at Teresa. 

Isang makatindig balahibong pelikula ang Maria Leonora Teresa para sa buong pamilya. 

Bahagi ang Maria Leonora Teresa ng ika-20th anibersaryo ng Star Cinema at ipalalabas na ito simula ngayong Setyembre 17.

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

DERAMAS

DIREK WENN

IZA

IZA CALZADO ZANJOE MARUDO

JODI STA

JUVY BISON

MARIA LEONORA TERESA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with