^

Pang Movies

Matteo at Sarah parang totoong nagkakalabuan na!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inimbitahan naman pala ni Matteo Guidi­celli ang girlfriend na si Sarah Geronimo para maging date niya sa Star Magic Ball pero talaga lang may trabaho raw si Popstar nang gabing iyon.

“May trabaho siya (Sarah) ngayon, may commitment siya ngayon at hindi niya maiwanan ‘yung commitment niya,” sabi ni Matteo nang ma-interview ng TV crew.

Bago pa man daw niya imbitahan si Sarah ay may naka-schedule na itong commitment kaya hindi na talaga pumuwedeng makadalo with him ang girlfriend.

Kaya naman mag-isa lang si Matteo na dumalo ng Star Magic Ball noong Sabado.

Bale ba ay nagkaroon ng tsismis recently na nagkakalabuan sina Sarah at Matteo dahil sa hindi pagdalo ng una sa triathlon race ng aktor na ginanap sa Cebu.

Nalinaw naman noon pa ni Matteo na naintindihan niya na busy ang girlfriend at next time na lang daw siguro.

LGBT community pinasalamatan sina Jobert at Michael

Suportado ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexual, and Transgender) community ang isa sa entries ng Himig Handog Pinoy Pop Love Songs 2014 na Pare, Mahal Mo Daw Ako composed by Joven Tan and interpreted by Michael Pangilinan.

Katunayan ay nag-release pa ng official statement ang Secretary-General ng LGBT Philippines na si Mr. Bemz Benedicto na nagpapahayag ng kanilang suporta.

Narito ang nakasaad sa official statement ng LGBT Philippines.

“Buong puso kaming nagpapasalamat kay Direk Joven Tan sa patuloy niyang mapangahas ngunit sensitibo at disente niyang nailalarawan ang buhay pag-ibig ng mga Pilipinong LGBT.

“Ang amin ding pasasalamat kay Michael Pangi­linan dahil tinanggap niya ang hamon na maiparating ang mensaheng ito para sa lahat. Para sa amin makakatulong ito na isang straight guy ang kumanta para magawang mainstream ang issues ng mga LGBT. Naitatawid niya ng maayos ang tunay na katauhan ng mga LGBT.

“Maraming salamat din kay Kapatid Jobert Sucaldito sa pagtitiwala sa kantang ito at sa talento ni Michael Pangilinan at paghubog niya dito para maging LGBT-friendly and ally.

“Ito na ang isang malaking kontribusyon ni Jobert sa laban ng Pilipinong LGBT upang ma­ging positibo at disente ang pagtingin sa ating hanay.

“We will rally behind the song completely.”

Ang lyrics ng kanta ay tungkol sa dalawang matalik na magkaibigang lalaki pero ang isa ay may pagmamahal palang nararamdaman para sa kaibigan.

Sa September 28 na gaganapin ang Himig Handog P-Pop Grand Finals sa Araneta Coliseum.

Derek nilinaw ang pag-o-offer daw ng indecent proposal?!

Nagbigay ng babala si Derek Ramsay sa kanyang impostor na nagpapanggap daw na siya ay nanloloko ng mga tao.

Tweet niya sa kanyang Twitter account, “Guys, please be informed that there is someone going around preten­d­ing to be me. He pretends to be interested in condos and then offers indecent proposals. Whoever you are, please stop what you’re doing.”

Nalaman na rin niya ang mobile number ng impostor at ipinost niya rin ito sa Twitter.

Mukhang bagong raket ito ngayon at huwag naman sanang masundan pa sa ibang artista.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DEREK RAMSAY

DIREK JOVEN TAN

HIMIG HANDOG P-POP GRAND FINALS

LGBT

MATTEO

MICHAEL PANGILINAN

NIYA

STAR MAGIC BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with