Nagpa-party rin pero nilangaw! Claudine tinapatan ang Star Magic Ball
Hoy Salve A., true ba na nag-organize rin ng sariling party si Claudine Barretto, noong gabi mismo ng Star Magic Ball ng ABS-CBN?
Both events ay naganap mismo last Saturday, Sept. 8. But while we all know na ang Star Magic Ball ay naganap mismo sa ballroom ng Shangri-La, hindi tiniyak ng aming source kung saan ginanap ang event ni Claudine.
Basta ang balita raw niya, para raw sa mga dating kasamahan niya sa dating programa ng ABS-CBN ang party, which served as training ground sa mga kabataang type to eventually become showbiz personalities.
As expected, star-studded ang Star Magic Ball, where most of those who attended were dressed to the teeth.
In Claudine’s party naman, ang nabalitaan daw ng aming kibitzer, mabibilang sa daliri ang mga dumating. Kabilang na ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas, Boyong, at Lindsay Custodio.
Mga manika ibinida ni Direk Wenn sa bagong horror movie
One of the biggest come ‘‘ons’’ ng Maria Leonora Teresa, ayon sa director nitong si Wenn Deramas, bukod of course, sa mga lead stars nitong sina Iza Calzado, Zanjoe Marudo, at Jodi Sta. Maria, is the transformation into dolls ng mga child stars na sina Red Bustamante, JC Movida, at Juvy Bison.
Mahalaga ang roles na ginagampanan ng tatlong manika, as they proved the reason why three parents, who all lost their beloved daughters in an accident during a field trip, managed to deal with the pain and grief they all felt. And, in time, face the fears, if not the truth, na kahit kailan, hindi na babalik ang isang binawian ng buhay.
Maria Leonora Teresa is a horror-drama, Direk Wenn stressed. ‘‘It’s my first time to a movie of this genre.’’
‘‘Kaya, ang dalangin ko, tulad ng mga mainstream films na comedy na ginawa ko, tangkilikin din ng manonood itong Maria Leonora Teresa.
‘‘Maipapangako kong, bukod sa mga unimaginable terror na mae-experience ng mga manonood nito, may mga parts din na matatawa at mae-excite sila,’’ pahayag pa ni Direk Wenn.
From Direk Wenn, we also learned that he has started work on The Unkaboggable Praybeyt Benjamin, starring Vice Ganda, Richard Yap, and Bimby Aquino Yap.
A Star Cinema movie, The Unkaboggable… is a Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.
Jake babu muna sa ‘Pinas, dalawang buwan mag-aaral sa Hollywood
Tiyak na ngang mawawala si Jake Cuenca, ayon sa kanyang talent manager na si Neil de Guia for nearly two months.
His alaga, said Neil, will take up acting lessons, though just a crash course, at the Lee Strasberg Theater and Film Institute in Hollywood.
Ayon daw kay Jake, ani Neil, ‘di akalain ni Jake na mabibigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sa nabanggit na acting school, when he sent them his portpolio.
The school specializes in method acting. Which proved prominent in the acting style nina Marlon Brando, James Dean, Al Pacino, Robert de Niro, and Sean Penn, all products of the said school.
‘‘Kapag sa lalong ikaka-improve niya sa kanyang craft ang pag-uusapan, ‘di mo talaga mapipigilan si Jake to take advantage of it.
‘‘Tulad nang magkaroon ng short acting workshop dito sa Pilipinas si Ivanna Chubbuck (kilalang Hollywood acting coach), nag-enrol din si Jake,’’ susog pa ni Neil.
Jake’s appearance was in the top series, Ikaw Lamang, which now has a Book Two.
Ikaw Lamang Book Two still stars Coco Martin at Kim Chiu.
- Latest