^

Pang Movies

TV host pinoproblema ang bumabagsak na karir ng paboritong celeb

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Disappointed daw ang isang TV host sa isa niyang paboritong celebrity dahil sumama ang image nito sa mga nangyayari sa kaibigan niya ngayon. 

Mukha raw hindi napaghandaan ng kanyang friend ang consequences ng mga personal plans nito na mukhang pumalpak ganoong nagsisimula pa lamang.  Sad siya dahil ang taas-taas daw ng tingin niya sa friend niya, ewan daw kung paano ito makababawi sa mga darating na araw. 

Martin ipapalit ng GMA kay Aljur

Magkakasunod na nag-sign ng exclusive contract ang mga talents ni Arnold L. Vegafria ng kanyang ALV Management, sa GMA Network last Tuesday. 

Nag-renew ng contract si Camille Prats at happy raw siya sa kanyang home network na la­ging nagbibigay ng magagandang projects sa kanya. Huli niyang afternoon drama series ang The Borrowed Wife. Nagsimula nang mag-taping si Camille ng Second Chances at first time niyang gagawin ang bagong character sa primetime drama series.  Regular pa ring napapanood si Camille sa lifestyle show na Mars, with co-host Suzi Entrata for GMA News TV, daily at 7:00 p.m.

Finally, pumirma na rin ng kontrata sa Kapuso Network si Martin del Rosario pagkatapos ng ilang buwan mula nang lumipat siya at nakagawa na ng isang soap, ang Rhodora X with Jennylyn Mercado.  Biruan nga raw after pumirma ng contract si Martin na siya na raw ang papalit kay Aljur Abrenica na kasalukuyang may demanda laban sa network.

Balik-Kapuso rin si Kiko Estrada.  Nanghinayang kami kay Kiko na after niyang gawin ang Tween Hearts na tumagal ng 87 episodes, ay nag-decide siyang lumipat. Sa palagay namin kung hindi siya nagmadali, nabigyan na siya ng solo project dahil mahusay naman siyang umarte, tulad ng mga kasabayan niyang tween stars noon. Si Kiko ay anak ng actor-politician na si Gary Estrada at ina niya ang dating actress na si Cheska Diaz.

Marian hindi nagbawas ng trabaho

Tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Ayon kay Rams David ng Triple A Productions, ang management company ng actress, walang nabago sa mga sche­dule ni Marian kahit nakatakda na silang ikasal ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa December 30.  Wala raw naman silang problema ni Dingdong sa paghahanda para sa kasal nila dahil planado nang lahat ito. Tuloy pa rin si Marian sa mga GMA regional shows niya, co-host siya nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa sugod-bahay segment nilang Juan for All All for Juan sa Eat Bulaga.  Tuloy ang first time na pagrampa ni Marian sa Bench fashion show na The Naked Truth  sa September 19 sa MOA Arena.  May coming launch din siya ng isa pang endorsement.

Kung may nabago sa schedule ni Marian, ito’y ang offer pa rin ng GMA na magkaroon ng second season ang dance show niyang Marian na napapanood every Saturday, 7:00 p.m. after ng Pepito Manaloto.  Wala ngang pahinga ang sexy dancer actress dahil matatapos ang first season niya sa September 13, at sa September 20, simula na ng second season ng dance show na promise ni direk Louie Ignacio ay mas pagagandahin pa nila ang bawat segment ng show.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALL ALL

ARNOLD L

BORROWED WIFE

CAMILLE

KAPUSO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with