Anne pang-Hollywood ang hitsura, nasapawan sa pagandahan si Cristine!
Wholesome, fun, and entertaining ang pelikulang The Gifted na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Sam Milby, and Cristine Reyes at idinirihe ni Chris Martinez.
Napanood namin ang pelikula sa special screening held at Director’s Club Cinema at SM Megamall and we enjoyed the film hindi lang dahil sa sosyal ang sinehan and very private kundi dahil sa mga eksena rin ng tatlong bida.
In fairness kay Sam, bagay sa kanya ang comedy, huh! Kering-keri naman pala niya ang mag-Tagalog nang hindi slang kundi may pagka-Bisaya. Natatawa kami sa tuwing nagsasalita siya simply because hindi kami sanay marinig siya na magsalita ng ganu’n.
At the start of the film ay maaaliw ka sa hitsura nina Anne bilang si Zoe Tuazon na over sa katabaan at ni Cristine bilang Aica Tabayongyong na parang nerd ang hitsura with her glasses, thick eyebrows at sungki-sungking ngipin but once naman na gumanda sila, you’d be amazed how these women can be so beautiful.
Anne looked so gorgeous at Hollywood-level talaga ang beauty niya. In fact, nasapawan niya talaga si Cristine sa kagandahan dito sa pelikulang ito although of course, super-beautiful din naman ni Cristine.
Equal na equal ang exposure nina Anne and Cristine at may kanya-kanya silang highlight. You will sympathize with Aica at maiinis ka naman kay Zoe.
In the end ay may twist ang story na madadaya ka kung aalis ka agad ng sinehan dahil parang epilogue itong ipinakita after the title credits. Muntik na kaming lumabas nang ipinapakita na ang credits dahil akala namin ay tapos na. Pero mayroon pa palang importanteng eksena na dapat masaksihan kaya be sure na mapanood n’yo ito when you watch it in theaters.
Showing na ngayong araw na ito, Sept 3 ang The Gifted mula sa direksyon ni Chris Martinez. Produced by Viva Films and Multi Vision Entertainment, kasama rin sa cast sina Candy Pangilinan, Dominic Ochoa, Arlene Muhlach, and Ricky Rivero.
Xian parang nanliligaw, todo-effort sa pag-imbita kay Kim sa Star Magic Ball
Ang sweet ni Xian Lim na nag-effort pa talaga in his own way para lang imbitahan si Kim Chiu to be his date sa Star Magic Ball.
Nag-post si Kim ng picture sa kanyang Instagram (IG) account kahapon kung saan ay makikita si Xian na may hawak na bouquet of flowers at sa tabi naman niya ay dalawang guys na may hawak na cardboard na may nakalagay na “will you be my date?”
Effort kung effort ‘di ba naman? Pwede naman niyang tanungin na lang si Kim in person nang wala nang mga ganun’g drama. Of course, this is a super-plus sa mga babae at kahit sinong girl ay kikiligin sa mga ganitong klaseng sweetness ng guy.
Say nga ni Kim sa kanyang caption, “never fails to surprise. . .hihi salamat.”
Ang dami namang positive comments sa post at puring-puri nila ang sweetness ni Xian.
Lahat magaganda, mga kasali sa Himig Handog mahigpit ang labanan
Isa-isang ipinakita sa presscon ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 ang music video ng 15 entries na ang gumawa ay ang mga estudyante mula sa iba’t ibang prestigious schools tulad ng UP, UST, Ateneo, UE, San Beda, PUP, Letran, Mapua, St. Pauls, Miriam College, Meridian International College, College of St. Benilde, and Adamson University.
Sa mga music videos, nagustuhan namin ang Bumabalik ang Nakaraan ni Jessa Zaragoza composed by Sarah Jane Gandia, Mahal Kita Pero ni Janella Salvador mula sa kumposisyon naman ni Melchora Mabilog, Walang Basagan ng Trip by Jugs and Teddy composed by Eric de Leon at Simpleng Tulad Mo ni Daniel Padilla composed by Meljohn Magno.
Pero pagdating naman sa mismong song and kumposiyon, bet namin ang Hanggang Kailan ni Joel Mendoza interpreted by Angeline Quinto, Pare Mahal Mo Raw Ako ni Joven Tan at kinanta ni Michael Pangilinan, If You Don’t Want to Fall ni Jude Gitamondoc at inawit naman ni Jed Madela, at ang Mahal Ko o Mahal Ako ni Edwin Marollano interpreted by KZ Tandingan.
Nakakaaliw ang video ng Pare Mahal Mo Raw Ako dahil naka-relate ang mga bading at naghihiyawan talaga sa loob ng Dolphy Theater.
Actually, halos lahat ng 15 entries ay magaganda at mukhang mahigpitan ang laban ngayon. Gaganapin na ang grand finals ng Himig Handog sa Sept. 28 sa Araneta Coliseum and this early ay excited na kaming malaman kung sino ang mananalong composer.
Released na rin sa mga record bars ang CD ng Himig Handog P-Pop Love Songs under Star Records kung saan ay nakapaloob nga ang 15 entries. Ang mga music videos naman ay pwede ninyong mapanood sa MYX Sky Cable Channel 23.
- Latest