^

Pang Movies

Pelikula nina Nora Aunor, Lav Diaz, at Eugene Domingo kandidato sa ipadadalang entry ng ‘Pinas sa Oscars

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tuwing buwan ng September ay pinipili ng Film Academy of the Philippines ang magiging official entry ng Pilipinas para sa Best Foreign Language Film category ng Academy Awards or Oscars.

Magkakaroon nga ng shorlist ang FAP para sa mga pelikulang qualified para maging official entry. Ipina-publish nga ito ng FAP sa kanilang website.

Para sa pipiliin ngang mga possible entries, may ruling ang FAP in regards sa qualification ng isang film: “Stipulate that to qualify, the Philippine entry must have been commercially exhibited in the country for at least seven consecutive days during the period from October 2012 to September 2013.”

Kaya qualified pa for consideration ang mga pelikula na maipapalabas ngayong September.

Kabilang nga sa magkakaroon ng commercial release sa mga theaters ay ang dalawang pelikula ni Lav Diaz. Una na rito ay ang Norte Hangganan Ng Kasaysayan (Norte, The End of History) na magbubukas sa September 10.

Ang four-hour long na pelikula na ito ni Direk Lav ay nagkaroon ng world premiere sa Cannes International Film Festival at  umani na ng mga parangal sa Gawad Urian Awards.

Ang ikawalang Lav Diaz obra ay ang Mula sa Kung Ano ang Noon (From What Is Before) na magkaroon ng special screening on September 21.

Napanalunan nga ng obra na ito ni Direk Lav ang ilang parangal mula sa ilang international film festivals. Kabilang na rito ang grand prize na Pardo d’oro (Golden Leopard) sa 67th Locarno International Film Festival, Don Quixote Prize ng International Federation of Film Societies (IFFS), FIPRESCI International Critics Prize, the Environment is Quality of Life Prize and the Boccalino de Oro Independent Critics Award for Best Actress for Hazel Orencio.

Ang isa pang puwedeng mag-qualify sa shortlist ay ang directorial debut ng former TV5 executive na si Perci Intalan na Dementia na magbubukas on September 24.

Ang psychological-horror thriller na ito ay pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor at kasama rin sina Jasmine Curtis-Smith, Bing Loyzaga, Chynna Ortaleza, Jeric Gonzales, Althea Vega, Lui Manasala at Yul Servo.

Ang sinasabi ngang highly-qualified na mapili ng FAP ay ang critically-acclaimed na Barber’s Tales (Mga Kuwentong Barbero) ni Jun Lana.

Ang period drama na ito na pinagbidahan ng TV host and comedienne Eugene Domingo ay umikot na sa ilang international film festivals kabilang na ang Tokyo International Film Festival noong October 2013 kung saan nauwi ni Domingo ang best actress award.

Nakuha rin ng Barber’s Tales ang 3rd place Audience Award sa Udine International Film Festival in Italy.

Pacman kailangan nang umuwi

Tuluy-tuloy nga ang promotional tour ni Manny “Pacman” Pacquiao para sa laban nila ni Chris Algieri sa November 22 in Macau.

Noong nakaraang August 29 ay namataan nga si Pacman na naglalaro ng baseball sa AT&T Park sa San Francisco, California.

 Nagba-batting practice nga ang 8-time world title holder bago magsimula ang laro ng Giants laban sa Milwaukee.

Nabanggit naman ng promoter ni Pacman na si Bob Arum na may possibility na matuloy na ang laban ni Manny kay Floyd Mayweather sa 2015.

Ang mga pupuntahan pa ni Pacman para sa kanyang promotional tour ay Los Angeles, Las Vegas at New York.

Kailangan na ring umuwi agad ni Pacman dahil bukod sa kanyang pagiging isang congressman, coach din siya ng Kia Motors basketball team at may bagong show siya sa GMA 7 na Pacquiao’s Sports Science.

 

ACADEMY AWARDS

ALTHEA VEGA

AUDIENCE AWARD

BEST ACTRESS

DIREK LAV

FILM

INTERNATIONAL

LAV DIAZ

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with