Dennis hindi kapani-paniwalang babalikan pa si Jennylyn
Mahigpit iyong tanggi ni Dennis Trillo sa mga tsismis na mukhang nagkakabalikan sila ng dati niyang syotang si Jennylyn Mercado. Palagay namin tama lang naman ang ganoong reaksiyon ni Dennis. Hindi nila maikakaila na pinilit ni Dennis na ilagay sa ayos ang buhay ni Jennylyn noon. Hindi ba siya pa nga ang naging daan para magkasundo sina Jennylyn at si Patrick Garcia na siyang tatay ng kanyang anak. Pero hindi rin sila nagkasundo.
Tapos alam naman natin ang nangyari, noong mag-split silang dalawa, nagpa-interview pa si Jennylyn sa isang magazine at sinabi pang sinaktan siya ni Dennis. Ang paniwala naman namin, hindi siguro gagawin iyon ni Dennis kung hindi talagang pikang-pika na siya. Hindi naman kilalang violent na tao iyan eh. May atraso pa nga siguro siyang iba pero hindi naman nananakit.
Pagkatapos ba ng pangyayaring ganoon, makikipagbalikan pa nga kaya si Dennis kay Jennylyn?
Alfred at Cristina nagpasalamat sa mga tumulong
Muling nakipagkita sa movie press ang aktres na si Cristina Gonzales at ang kanyang asawang si Mayor Alfred Romualdez. Nagpasalamat lang sila sa lahat ng suportang kanilang nakuha mula sa movie press simula noong naharap sila sa disaster ng bagyong Yolanda. Sabi nila gusto lang nilang ipaalam kung ano na ang nangyari simula noon. Kabilang din naman kasi sa kinikilala nilang malaki ang naitulong sa kanila ay ang mga television networks, particularly iyong GMA Kapuso Foundation na sumubaybay sa kanila hanggang sa kanilang mga temporary housing programs. Pero inamin nila, marami pa rin sa mga biktima ang nakatira sa tents.
Marami nga raw nagtatanong sa kanila kung ano nga ba ang status noong mga ipinadalang tulong sa kanila, na sinasabi naman mismo ng mga taga-Tacloban na wala naman silang nakita. Kaya ang sabi nga ni Mayor Alfred, mas mabuti nga siguro doon sa mga magbibigay ng tulong na dumiretso na lang sa local government, o dumiretso na lang sa mga biktima kagaya nga nang ginawa ng GMA at noong Kapatid Network, na diretsong nagpadala ng kanilang tulong.
Nang tanungin naman siya kung iyon ba ang tamang channel, sinabi niyang hindi niya alam kung ikatutuwa iyon ng iba, pero sinasabi nga niyang wala namang illegal kung gagawin nila ang direktang pagtulong.
Bukod doon, naghahanda na rin daw sila sa pagdalaw sa kanila ng Santo Papa sa Enero. Noon pa kasi nagpahayag na ang Santo Papa na gusto niyang personal na makaharap ang mga biktima ng pinaka-malakas na bagyo sa kasaysayan. Nag-utos din ang Santo Papa noon sa mga Katoliko sa buong mundo na magpadala ng tulong sa Pilipinas, at iyon naman ay ibinahagi sa pamamagitan ng Diocese of Tacloban.
Basta sila raw, coordination lang, sabi ni Mayor Alfred.
Birth Certificate ni Marian hinahanap ng simbahan?
Sabi ni Marian Rivera, hindi raw tinanggap ng simbahang Katoliko dito sa atin ang naging binyag niya sa España kung saan siya ipinanganak. Bago tayo maligaw sa doktrina, ang binyag ay isa lamang, kahit na saan ka pa bininyagan. Kaya lang hindi tinanggap siguro ay dahil wala siyang baptismal certificate na maipakita, at hindi rin niya alam kung saang simbahan ba siya nabinyagan.
- Latest