Limang oras na art film ni Direk Lav may International Award na naman
Ang limang oras na obra ni Lav Diaz na Mula Sa Kung Ano Ang Noon (From What Is Before) ang nagwagi ng Golden Leopard prize sa Locarno International Film Festival in Switzerland noong nakaraang Sabado, August 16.
Huli ngang pelikula ni Direk Lav ay ang critically-acclaimed na Norte, Hangganan ng Kasaysayan na umani ng maraming parangal sa iba’t ibang award-giving bodies dito at sa abroad.
Ang kuwento nga ng Mula Sa Kung Ano Ang Noon ay tungkol sa isang tahimik na barrio na nagulo noong i-declare ng dating presidenteng si Ferdinand Marcos ang Martial Law noong 1972.
“This film is based on the memories from my own childhood, for the two years before the Martial Law was declared in the Philippines.
“It was the advent of the darkest period of our history, which was cataclysmic. Everything in the film comes from my memories, all the characters are real but then I just changed their names, of course,” sey pa ni Direk Lav nang tanggapin nito ang pangaral sa Locarno.
Sunod nga na pagpapalabasan ng Mula Sa Kung Ano Ang Noon ay sa Toronto International Film Festival in September kunsaan ito’y kasali sa Wavelengths category.
Makakasama nito ang dalawa pang Pinoy films na Hustiya ni Joel Lamangan at Hari ng Tondo ni Carlos Siguion-Reyna na nasa Contemporary World Cinema section.
Robin Williams inalala ng Fil-Am actor na si Dante
Kabilang nga ang Filipino-American actor na si Dante Basco na nagulat at nalungkot nang mabalitaan nito na pagpanaw ng award-winning Hollywood comedian na si Robin Williams.
The 38-year old actor was only 15 noong una niyang makatrabaho ang world famous comedian in the 1991 sa Steven Spielberg live-action Peter Pan film, Hook.
Sa personal blog nga ni Dante na “Dante Basco: My Take On Life...” (https://dantebasco.wordpress.com/) narito ang ilang sinulat niya sa kanyang magandang experience playing the biggest role of his career at ang pagkakataon na makatrabaho at makilala ang aktor na si Robin Williams.
“Today Robin Williams past away and it’s been so surreal, it felt like it came out of nowhere…
“A text message from a friend made me aware of the news and frantically I jumped online to see if it was true.
“Although working with him changed my life, in truth, he impacted me several years before when Dead Poet’s Society became one of my favorite films and really started me being interested in poetry, at which I later became a poet.
“I was fortunate to spend private times, many mornings in the makeup chair, (which with my tri-hawk hair took hours), just talking about poetry… And soft spoken and introspectively we would discuss Walt Whitman and Charles Bukowski.
“But I just want to bid a sorrowful farewell to one of the greatest I’ve been able to work with and be around and I’ll always remember my time with you as some of the greatest moments in my life… and just like the rest of the world, I’ll remember you with joy and laughter.
“O’ Captain! My Captain! See you in Neverland…”
Aktibo pa rin si Dante Basco, gayundin ang kanyang mga kapatid (Darion Basco, Derek Basco, Dion Basco, at Arianna Basco) sa paglabas sa TV at pelikula sa Hollywood.
Huli nga siyang lumabas sa pelikulang Bad Asses with Danny Glover and Danny Trejo. Lumabas din siya sa mga pelikulang Take The Lead, But I’m A Cheerleader, Biker Boyz and Subject: I Love You.
Sa TV ay nakapag-guest siya sa mga series na Hawaii Five-O, Prime Suspect, Entourage, CSI: Miami at nag-voice naman siya para sa animated characters ng The Legend of Korra, Avatar: The Last Airbender, at Ultimate Spiderman.
Nagkaroon naman ng pagkakataon si Dante na makatrabaho sina Eddie Garcia, Tirso Cruz III, at Gina Alajar sa pelikulang The Debut in 2001 na tungkol sa isang Fil-American family in California.
Naging founder si Dante ng largest weekly poetry venue na Da Poetry Lounge in Los Angeles, California. Meron na rin siyang sariling production company na Kinetic Films.
- Latest
- Trending