^

Pang Movies

‘She’s worth everything’ Matteo si Sarah na ang gustong mapangasawa

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Matteo Guidicelli, sobrang proud daw siya kay Sarah Geronimo sa ginawa nitong pag-amin kamakailan tungkol sa kanilang relas­yon.

Matatandaang si Sarah ang unang umamin na sila na ni Matteo on national television at ayon sa aktor, hindi raw nila ito pinag-usapan kaya nagulat siya.

Papunta raw ang aktor sa States nang mabasa niya sa mga tweets ang ginawa ng Pop Princess. Masaya raw siya dahil sa ginawa ni Sarah na tumayo at sundin ang nasasa loob niya. Ito ang naging laman ng interbyu niya sa The Buzz 15 last Sunday.

Para sa aktor, ipinaglaban siya ng girlfriend sa ginawang pag-amin nito kaya sobrang proud daw siya kay Sarah.

Noong una raw ay hesitant si Sarah na makipagrelasyon sa kanya dahil ayaw na raw nito ng taga-showbiz.

Kaya nang sinagot daw siya ni Sarah, say ni Matteo ay siya na raw ang pinakamasayang tao sa mundo.

Ayaw nang sabihin pa ni Matteo kung anon’g date siya sinagot ni Sarah basta aniya ay mga last year daw.

Kinumusta ni Toni Gonzaga ang relasyon ni Matteo sa parents ni Sarah since very strict nga ang mga ito, ayon sa aktor ay naiintindihan naman niya kung strict man ang mga ito.

Naiintindihan daw ni Matteo na pare-pareho ang mga magulang na gusto lang protektahan ang kanilang mga anak. “But also I understand Sarah, she’s growing to become a beautiful lady, she’s becoming stronger every year, so I’m proud of her for all of she’s done, she’s standing up for herself, it’s all becoming independent woman, it’s what supposed to be,” say pa ni Matteo.

Sinabi rin ni Matteo na gagawin niya ang lahat to make this work “because this girl, this woman, she’s worth everything.”

Kinilig naman sina Toni and Kris Aquino sa sinabing ‘yun ni Matteo.

Dagdag pa ng aktor, “I believe, I don’t wanna lose this one.”

Ipinagdarasal din daw niya every night for everything to go well at sana nga raw ay si Sarah na ang makasama niya sa habang-buhay.

Tinanong ni Toni kung si Sarah na ba ang gusto niyang ma­ging ina ng kanyang mga anak at napa-wow si Matteo.

 “I hope and I pray, ‘di ba?” say niya.

Kim thankful sa tuluy-tuloy na blessings

Masayang-masaya naman si Kim Rodriguez sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon. After the airing of Paraiso Ko’y Ikaw na teleserye niya sa GMA 7, ngayon naman ang may bago siyang malaking endorsement, ang Mario D’Boro shoes.

May bago na nga raw siyang teleserye ulit sa GMA 7 pero ayaw pa niyang sabihin ang detal­ye dahil bawal pa raw pero nang matanong siya kung makakasama ba niya ang rumored boyfriend na si Kiko Estrada, hindi na nakapag-deny pa ang tween actress.

 

 

vuukle comment

KIKO ESTRADA

KIM RODRIGUEZ

MARIO D

MATTEO

NIYA

RAW

SARAH

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with