Alex ilag na kay Ryan, nasaktan sa pinagsasabi ng Koreano
As much as possible, iniiwasan muna ni Alex Gonzaga na mapalapit, o, lalo na ang makipagkaibigan, sa Koreanong si Ryan Bang.
Kahit pa, magkasama sila sa gag show na Banana Nite.
Labis palang dinamdam ni Alex ang mga pasaring na ginawa sa kanya ni Ryan, sa presscon for the series Hawak Kamay, where Ryan plays a good friend ng bidang si Piolo Pascual.
Kahit pa later, sinabi ni Ryan na ‘di niya sinasadya. Imagine nga naman na sabihin ni Ryan na kung talagang wala ring gusto sa kanya si Alex, bakit pinaaasa siya nito.
Her mom, Pinty, advised her as well daw na dumistansiya muna siya sa Koreanong komedyante. Obvious na naapektuhan din ang mother ni Alex sa naging attitude ni Ryan towards Alex.
Well.
Alex mas busy na kaysa kay Toni
Compared to her ate, Toni (Gonzaga), Alex will even be busier.
While Toni is currently busy with her hosting sa Pinoy Big Brother (PBB) All in, na magtatapos na on August 24, and doing the weekly sitcom, Home Sweetie Home, Alex has recently added another project to her already busy schedule.
As we all know, she is in the daily series, Pure Love, at sa daily gag show na Banana Nite.
Only recently, Alex, with her Mommy Pinty, signed up with Star Cinema para gawin ang pelikulang The Unbokagable Praybet Benjamin 2, co-starring her with Vice Ganda, Richard Yap (a.k.a. Ser Chief), and Bimby Aquino-Yap.
Present too, according to Alex, at the contract signing were Star Magic top honcho, Direk Johnny Manahan.
Alex explained that she is a Star Magic talent and her Mommy Pinty is co-mana-ging her.
Of course, present din si Malou Santos, managing director ng Star Cinema.
The film, which Wenn Deramas will direct, is her first movie sa bakuran ng ABS-CBN, since pumirma siya ng kontrata as a Kapamilya.
Three years ding under contract si Alex with TV5.
Darren gustong makipagsapalaran sa ‘Pinas!
Darren Espanto, na pumangalawa kay Lyca Gairanod, who emerged champ in the katatapos na The Voice Kids Philippines, finally made the decision to stay put muna in the country, rather than go back to Canada, kung saan sila nakatira ng pamilya niya.
Gustong bigyan ni Darren ang sarili ng pagkakataon na makagawa ng pangalan dito. Na mahirap matupad kung sa Canada niya pipiliing matupad ang pangarap na maging isang super singer.
As it is, marami na ang nag-o-offer ng kanilang tulong kay Darren. But Darren has obviously decided to entrust himself and his career sa Channel 2.
Meanwhile, si Lyca, ay natupad din ang pangarap na umarte sa harap ng camera. She was handpicked to play herself in an upcoming episode in Maalaala Mo Kaya (MMK), na ang itatampok na kuwento ay ang pagiging buhay basurera ni Lyca at kanyang pamilya.
Sayang at wala raw leading man si Lyca sa episode na ipalalabas on August 16.
She would have suggested the name of Darren, she said.
An established young actor na pangarap din ni Lyca na makatrabaho ay si Daniel Padilla.
- Latest