^

Pang Movies

James Reid nag-enjoy sa pagiging good kisser ni Nadine

- Vinia Vivar - Pang-masa

Buong ningning na inamin ni James Reid kahapon sa presscon ng Talk Back and You’re Dead na good kisser ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre.

Sa nasabing pelikula kasi na follow-up project nila after the success of  Ang Diary ng Panget, napakarami raw nilang kissing scenes.

Nag-thank you naman si Nadine sa sinabi ni James at aniya, good kisser din naman daw ang leading man.

Kasama rin sa movie si Yassi Pressman na kasama rin nila sa Ang Diary ng Panget at Joseph Marco na first time makatrabaho ang nasabing Viva stars.

Showing na sa August 20 ang Talk Back and You’re Dead mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

Iza Bitch!

Iza Calzado is celebrating her birthday on August 12 kaya bilang blow-out ay binigyan siya ni Mother Lily Monteverde ng birthday presscon since kasama rin siya sa latest offering ng Regal Entertainment na Somebody to Love with Carla Abellana, Jason Abalos, and Matteo Guidicelli.

Bago nagsimula ang presscon proper ay may AVP munang ipinakita kung saan ay binati si Iza ng kanyang mga dating kasamahan sa Eat Bulaga na sina Pauleen Luna, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Keempee de Leon, Ryan Agoncillo, atbp.

Pero ang nakaaaliw ay ang video greeting ng Fil-British niyang boyfriend na si Ben Wintle dahil kung anu-anong showbiz gay lingo ang sinabi nito na obvious namang pinababasa lang sa kanya. What’s funny ay ‘yung effort niya na sabihin ito kahit nagkakandabulul-bulol na siya.

Sa presscon ay hindi maiwasang maitanong kung wala pa ba silang balak lumagay sa tahimik at say ni Iza, pareho pa naman daw silang hindi pa ready as of now dahil busy sila sa kani-kanilang mundo.

Busy daw ang boyfriend niya sa kagagawa ng mga computer apps at siya naman ay sobrang hectic ng schedule ngayon sa showbiz. Bukod sa serye niyang Hawak Kamay na four times a week ang taping ay lagare rin siya sa isa pang pelikulang ginagawa niya sa Star Cinema, ang Maria Leonora Theresa.

Sa Somebody to Love naman ay ginagampanan naman ni Iza ang role na maldita at bitch na aniya ay malayung-malayo sa kanyang karakter in real life. At nag-enjoy daw siya doing the film dahil nagustuhan niya ang kanyang role.

 “So, maganda rin po para pagkatapos ng Starting Over Again, ako po do’n eh Mama Mary (mabait), ngayon, ako naman ay bitch,” paliwanag ni Iza sa kanyang role sa Somebody to Love.

Showing na sa August 20 ang Somebody to Love.

Nato De Coco ang taas ng rating

Ang taas ng ratings ng first episode nina Vhong Navarro, Carmina Villaroel, at Louise Abuel ng Wansapanataym aired last Sunday.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Linggo (Agosto 3, nakakuha ng  26.5% ang pilot telecast ng Wansapanataym Presents Nato de Coco habang ang katapat namang programa ay nakakuha ng 18.6%.

Samantala, hindi na tuwing Sunday na lamang mapapanood ang Wansapanataym kundi pati na Sabado starting today, August 9.

Every Saturday ay mapapanood ito at 7:15 p.m. at every Sunday naman ay 7 p.m.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANG DIARY

BEN WINTLE

CARLA ABELLANA

CARMINA VILLAROEL

IZA

NAMAN

TALK BACK AND YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with