Dingdong may pasabog sa birthday ni Marian
Red-letter day para sa mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bukas, August 9, dahil si Kapuso Primetime King ang special guest ng Kapuso Primetime Queen at sexy queen of the dance floor sa Marian. Special presentation at live ang show to celebrate the 30th birthday ng actress. Sabi nga ng mga DY fans, uhaw na uhaw na silang makitang magkasamang mag-perform ang kanilang mga idolo dahil ang huli pa nilang pinagsamahang drama series, ang My Beloved ay tatlong taon na ang nakaraan. First time ring maggi-guest sa dance show si Dingdong.
“Simula nang i-launch namin ang Marian, it has been my wish na maging guest ko sa show si Dong, dahil nagsimula naman siya talagang dancer ng Abztract,” sabi ni Marian. “At finally, matutupad na, at iyon ang special birthday gift niya sa akin. Pinaghandaan namin ni Dong ang dance number para sa lahat ng mga manonood na patuloy na tumatangkilik sa show.”
Ayaw namang sabihin ni Direk Louie Ignacio kung sinu-sino pa ang special guests nila sa show tomorrow, after ng Pepito Manaloto. Sorpresa raw nila iyon kay Marian.
Kaya kahit mapupuyat ngayon gabi si Dingdong Dantes sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real, hindi raw niya mapalalampas ang paggi-guest sa dance show ng girlfriend, biro pa niya na kahit may pasa-pasa siya sa pambubugbog ng ama ni Shiela (Lovi Poe) sa eksena, aapir pa rin siya.
Binati namin si Dingdong sa hinahangaang pagganap niya as Anthony sa kontrobersiyal drama series with Maricel Soriano na nakikita na raw ang maturity niya as an actor.
Inamin ni Dingdong na hindi siya nagpapabaya sa kanyang craft, lalo na at hindi pa naman niya nararanasan ang character na ginagampanan niya. Nagri-research at nagtatanong din siya sa acting coach nila, how he will respond. At nakatulong na rin daw siguro sa kanya ang iba’t ibang roles na nagampanan na rin niya sa TV at sa pelikula. Kaya thankful siya sa mga netizens na pumupuri at nagbibigay ng constructive criticisms sa pagganap niya at ng iba pang members of the cast sa soap na dinidirek ni Andoy Ranay for GMA 7.
Tita Midz hindi natiis si Direk Carlitos
Nice to see Tita Midz (Armida Siguion-Reyna) na nanood ng gala night ng Hari ng Tondo na produced and directed ng anak na si Carlitos Siguion-Reyna sa Cultural Center of the Philippines last Wednesday evening. Congratulations sa cast at production staff ng indie film na first entry ni Direk Carlitos sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival na mapapanood pa hanggang sa Linggo, August 10. Gaganapin kinagabihan ang awards night sa Tanghalang Nicanor Abelardo at expected na darating ang mga artistang gumanap sa mga pelikula sa Director’s Showcase, sa New Breed at sa Short Films.
- Latest
- Trending

















