^

Pang Movies

Kris takot sa buwan ng Agosto

- Vinia Vivar - Pang-masa

Naging emosyonal si Kris Aquino at ang kanyang mga kapatid habang nagsasa­lita ang kapatid na si Pres. Noynoy Aquino last Monday sa State of the Nation Address (SONA) nito.

Ayon kay Kris later that night sa Aquino & Abunda Tonight, hindi raw kasi sila prepared sa sinabi ng kapatid dahil iniba raw nito ang mga sinabi sa prepared speech.

Ang ikinaiyak ni Kris at ng mga ka­pa­tid ay nang nagsalita na si Pres. Noy­noy tungkol sa second life nito at ang posibleng pagharap sa kamatayan. “At kung dumating nga ang panahong pong iyon, at natapos na po ang ating pangalawang buhay, masasabi ko ho bang okay na rin? At sasabihin ko po sa inyo, mata sa mata, sa lahat po ng inabot natin, ako po’y masasabi kong kuntento na ako,” bahagi ng speech ng ating Presidente.

Ayon kay Kris, ang mga ito ay hindi kasama sa prepared speech ng kapatid.

“Those last words that he said, they were not part of the speech, kaya talagang lalo kaming tinamaan, kasi we were not prepared to hear those words. Those were really his words. Nag-deviate siya. Near the end, those were really his words,” say ng Queen of All Media.

Inamin din ni Kris na mas lalo pa silang nabahala dahil malapit na ang Agosto dahil ito ang buwan na namayapa ang kanyang mga magulang.

“We don’t like August. Both our parents died in August, so parang. . . siguro alam din naman ng lahat na bilang kapatid niya, you just pray talaga that he can the best job he can,” sabi ni Kris. After ng speech ng kapatid ay sinabihan daw niya ito ng “great speech, but please, stay alive.”

 

Enzo pinayuhan ang kagalit na si Aljur

Sa pocket presscon para sa GMA 7 Artist Center ta­lents na may entry for the 10th Cinemalaya Film Festival, hindi maiwasang mahingan ng komento si Enzo Pineda sa isyung pinagdadaanan ngayon ni Aljur Abrenica laban sa network, lalo pa nga’t pareho silang produkto ng Starstruck at mayroon din silang naging issue kamakailan.

Si Aljur ang itinuturong third-party sa break-up nina Enzo at Louise delos Reyes some months ago.

Pero say ni Enzo, wala naman daw siyang maikokomento sa pagsasampa ni Aljur ng reklamo dahil hindi naman daw niya ito “business”.

“Para po sa akin, wala naman, siguro, no comment kasi people come and go sa showbiz, it depends on their decision, so hindi ko na rin po ‘yun problema,” sabi ni Enzo.

Hindi naman daw siya nagulat dahil sa sanay na raw siyang makakita ng mga ganitong senaryo.

“For the past years naman, things like that happen naman, may mga lumilipat from other networks here or from here to there, so, ‘yun lang. Para sa akin, it’s not the usual thing, but it happens.”

Kung sakaling friend niya si Aljur, ano ang maibibigay niyang advice?

“Ah, maybe “don’t burn bridges”? Maybe that’s it. Of course, parang it’s a small industry, small world. So, you just have to be thankful in everything that’s given to you and you just have to do your part. Kasi maliit lang naman ang mundo, either way babalik ka rin naman sa mga networks para magpalipat-lipat. Siguro ‘yun lang po ang mai-advice ko,” he said.

Kung siya naman ang tatanungin, kontento naman daw siya sa pama­ma­lakad sa career niya ng GMA-7 at alam naman daw niyang marami pa siyang dapat patunayan.

“Happy naman ako dito and I just have to focus on my work and keep on pushing up. I started out here in GMA 7, so I just want to do my best dito sa network ko. Dito ako kinalakihan, and sabi ko nga, as much as possible, I want to start and end my career here in GMA 7. Siyempre, home network ko ‘to, eh. ‘Yung loyalty ko siyempre nandito.

“It doesn’t matter naman if you switch networks, eh. Parang parehas lang ang mga ibinibigay na opportunity sa ‘yo, you just have to make the most out of it. “Nasa sa‘yo naman ‘yun, eh. Kung bibigyan ka ng role, do your best. ‘Wag mong sisihin sa ibang tao ‘yung mga ganyan,” say pa ni Enzo.

Ang Sundalong Kanin ay first Cinemalaya movie ni Enzo. Ito ay mula sa direksyon ni Janice O’Hara at produced naman ng Front Media Entertainment. The movie will be competing under New Breed Category. Gala screening of the film will be held on August 7 sa CCP Main Theater.

ABUNDA TONIGHT

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG SUNDALONG KANIN

ARTIST CENTER

AYON

ENZO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with