^

Pang Movies

Kim Chiu hindi nagpataob sa mga contestant ng Ms. Chinatown

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., napanood mo ba last Sunday on ABS-CBN ang finals ng Mr. and Ms. Chinatown, where the proclaimed winners were Kurt Ong at Nicole Cordoves?

Agaw-pansin si Kim Chiu, who, together with Gretchen Ho, Xian Lim, at Enchong Dee, hosted the show, na live ginanap sa Aliw Theater. Pagkaganda-ganda ni Kim that night. Nag-blossom na nang todo ang dating teenager sa Bahay ni Kuya (who was proclaimed Grand Winner in the first Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition.)

Kim was only 16 then, 23 na siya sa kasalukuyan.

How time flies so fast!

Nakaranas na si Kim na ma-broken heart. No need to tell you, who the guy is.

At the moment though, bali-balitang nagpapalipad-hangin pa rin sa kanya si Xian. Kim maintains she’s loveless.

Siya rin ay isang Fil-Chinese, had Kim been a contestant that night, she could have easily given a run for their money sa ibang contestants. Bale ba, ang gaganda ng gowns na suot niya - two, in all.

Gumanda rin kasi ang pangangatawan ni Kim, who is now busy taping for the Book Two of her series with Coco Martin, Ikaw Lamang.

Kim, we heard, will soon start with a new movie para sa Star Cine­ma na pagtatambalan nila ni Xian.

They were last seen together in Bride for Rent, which was a box-office hit.

Jodi parating kasama ni Jolo sa pagdalaw kay Bong sa kulungan

Madalas palang sumasama si Jodi Sta. Maria kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla every Sunday na dumadalaw ang binata sa amang si Senator Bong Revilla, kasama ang buong pamilya sa custodial center in Camp Crame. Kasalukuyan siyang naka-detain with Senator Jinggoy Estrada.

‘‘Kapamilya na ang turing kay Jodi at sa kanyang anak na si Thirdy (who is nine pala, like his son, Gab) ng pamilya namin,’’ ani Vice Gov. Jolo.

Schoolmate raw ang dalawang bata sa Dela Salle Alabang dahil pareho ang mga itong nasa Grade IV. Magkaiba nga lang ang kanilang section.

Siya raw, ayon kay Vice Gov. Jolo, ang nagsi-serve na chaperone ng dalawang bata nang manood sila ng katatapos na concert ng Be Careful with My Heart sa Araneta Smart Coliseum.

He is glad daw na nagkakasundo sina Gab at Thirdy.

So, kailan ang wedding bells? asked namin si Vice Gov. Jolo.

‘‘Kay Daddy muna kami naka-focus,’’ sagot niya. ‘‘And I’m glad, Jodi understands.’’

Lyca buhay ‘prinsesa’ na

Choice namin sana na ang manalo sa katatapos na reality show, The Voice Kids, on ABS-CBN, hosted by Luis Manzano at Alex Gonzaga, ng Grand Prize ay si Juan Karlos.

Tipong artistahin na ang bata at his age. At maganda pa ang boses nito.

Pero higit na nakakatawag-pansin ang kanyang story about his life. Napaka-touching, ulila na siya sa ina. Ang kanyang ama naman na isang foreigner ay ‘di niya nakilala.

Kaya lumaki siya sa kandili ng isang uncle, na ang trato sa kanya ay isang anak.

Kung sabagay, to the max lalo ang buhay na dinaranas ng Grand Champ na si Lyca Gairanod. Laking kariton siya, since rito nila inilalagay ang mga basurang kanilang nakukolekta at ipinagbibili.

Sa basura galing ang kanilang ikinabubuhay.

Kaya, we can imagine the big change sa lifestyle ng kanilang mag-anak considering all the prizes she won as first winner of The Voice Kids.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALIW THEATER

ARANETA SMART COLISEUM

BE CAREFUL

JODI

JOLO

KIM

VICE GOV

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with