^

Pang Movies

Kaya pala aligaga nang umalis sa GMA: Aljur gustong lumipat ng Kapamilya

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang umiikot na tsismis, gusto raw lumipat ni Aljur Abrenica sa ABS-CBN kaya gusto nitong magpa-release sa GMA 7. Pero sa panayam naman sa young actor, sinabi niyang wala naman daw siyang lilipatang ibang network.

Ngunit ang komento nga ng lahat, hindi magkakaroon ng ganitong lakas ng loob si Aljur na magpa-release kung wala siyang siguradong pupuntahan.

Well, let’s just wait and see na lang. Sa ngayon, pinuputakti ng negatibong komento ang young actor dahil sa pagsasampa niya ng kaso sa network na pinagmulan niya at hindi natin alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat.

Ang worry ng mga concerned kay Aljur, baka bago pa man matapos ang kaso ay matamlay na ang career niya sa tagal ng pagkakatengga niya.

Ramdam ang sobrang pagkalungkot ni Coco, Julia ‘namatay’!

Nagpaalam na si Julia Montes bilang Mona na asawa ni Samuel Hidalgo (Coco Martin) sa Ikaw Lamang last Friday night. Namatay na ang kanyang karakter na labis na ikinalulungkot ng mga tagasubaybay ng serye.

Nag-trending sa Twitter ang death scene ni Julia at minsan pa ay pinahanga kami ni Coco sa kanyang acting prowess. Talagang mararamdaman mo sa kanya ang sakit sa pagpanaw ng isang minamahal.

Miles hindi makasabay kina Kathryn at Julia

Ayon kay Miles Ocampo sa isang interview, hindi naman daw siya nai-insecure sa kasikatan ngayon ng mga best friends niyang sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Mga totoong kaibigan daw niya ang dalawa at pinapayuhan siya sa mga isusuot at sa kanyang mga ayos. ‘Pag nakita raw sa TV na medyo mataba siya ay pupunahin daw siya at sasabihang “uy, medyo tumataba ka, magpapayat ka”. ‘Pag nakita rin namang maganda siya ay pupurihin siya at sasabihang “gusto ko ‘yang ayos mo”.

Miles is 17 now, kaya baka malapit na rin natin siyang mapanood sa more mature roles tulad ng ginagampanan nina Kathryn and Julia. Pero sa ngayon ay mga pang-teenager shows ang ibinibigay sa kanya tulad na nga lang ng Wansapanataym Presents Witch-A-Makulit na last episode na ngayong Sunday, July 27.

Direk GB masigasig sa panliligaw kay Ritz

Mukhang malapit nang mabago ang status ni Ritz Azul na “no boyfriend since birth” dahil tila dead serious talaga sa panliligaw sa kanya ang direktor niya sa Cinemalaya Film Festival entry na Separados na si GB Sampedro.

Sa presscon ay inamin ng direktor na lumalabas-labas sila ni Ritz pero kasama naman daw ang magulang nito.

Ayon naman kay Ritz, akala raw niya noong una ay biru-biruan lang ang pagpaparamdam sa kanya ng direktor.

 “Noong una kasi, sa set, nagbibiruan kami. So, ang isip ko, sasakyan ko lang. Akala ko, biruan lang kasi nagkakakulitan kami nina Victor Neri, si direk saka ako.

 “Tapos, sakay-sakay lang ako. Wala namang malisya sa akin. Hindi ko alam na mayroon pala siyang intensyon talaga raw. Sabi niya kanina (sa Q and A),” say ng TV5 talent.

Hindi pa raw niya masasabi kung si Direk GB na ang magiging first boyfriend niya at mabe-break na ang NBSB status niya pero alam naman daw niyang parte ng pagiging dalaga ang ma-in-love kaya pasa­saan ba’t magkakaroon din daw siya ng BF.

Samantala, first movie ni Ritz ang Separados kung saan ay kasama rin niya sina Ricky Davao, Victor Neri, Jason Abalos at marami pang iba.

vuukle comment

ALJUR

AYON

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

COCO MARTIN

DAW

JULIA

JULIA MONTES

NIYA

VICTOR NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with