^

Pang Movies

Raymart mas nakakakuha ng simpatya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukha ngang malabo nang magkaroon pa ng re-conciliation ang mga kampo nina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Kahit na pinagbibintangan ni Claudine at ng kanyang abogado ang abogado ni Raymart na siya raw ang sagabal sa kanilang pagkakasundo, lumalabas na mukhang tama naman ang advice ng legal counsel ni Raymart.

Bukod sa bintang sa kanyang minamaltrato niya ang kanyang asawa, pinalalabas pang nagtangka siyang ipapatay at ang ginamit na katunayan ay may nagpapaputok pa raw ng baril sa likod ng bahay noon. Isang bagay na nakakapagduda dahil sa wala ngang report na lumabas sa pulisya. Pinagbintangan din siyang nagtangkang lasunin ang kanyang asawa, noong panahong matagal na na­man silang hiwalay. Ngayon naglabas pa ng pictures na hindi man sinabi nang diretsahan, ibi­nibintang na katunayan na iyon ay kanyang sinaktan, iyon pala dahil ‘yun sa isang medical procedure.

Kung ganyan nga ang sitwasyon, mas mabuting hintayin na lang ni Raymart kung ano ang magiging desisyon ng korte sa mga kaso laban sa kanya na iniharap ni Claudine.

Iyang mga ganyang bagay, mukha ngang mahirap maresolba sa labas ng hukuman. Baka nga may resolusyon na ang hukuman hindi pa rin maging matino ang usapan eh.

Isang bagay pa, dahil sa mga gulo-gulong iyan, mukhang nakakalimutan ang kaso ni Dessa Patilan at ng dalawang iba pang kasambahay na nagsampa rin ng kaso laban kay Claudine matapos na sila ay pagbintangang nagnakaw at ipinakulong.

Palagay namin ang makapagpapatahimik lamang sa sitwasyon ay kung maagang mareresolba ng mga hukuman ang mga kasong iyan. Dapat matapos na agad iyan para maiwasan ang kung anu-ano pang issues na mukhang wala rin namang patutunguhan.

Totoong kaganapan nang sakupin ang ‘Pinas, ilalantad sa musical play

Natawag ang aming pansin ng mga posts ng   aming colleague na si Alex Datu tungkol sa isang stage musical na may kinalaman sa mga kaganapan noong panahon ng Hapon, iyong Filipinas 1941. Nagkaroon na raw iyon ng initial pre­sentation at ngayon ay inilalabas sa iba’t ibang venue para mapanood lalo na ng mga istud­yante na nag-aaral ng history.

Mukhang may kakaibang twist ang nasabing musical. Una, mukhang malayo iyon sa mga history na pinagsusulat nina Zaide at Agoncillo, na nagsulat ng kasaysayan noong panahong nasasakop pa tayo ng mga Kano, kaya natural kampi sa Kano.

Ipinakita rin daw sa musical ang kaapihang inabot ng mga Pilipino noong panahong iyon, pati na rin ang pagtataksil ng ilang Pilipino sa bayan at sa kanilang mga kababayan. Gusto naming mapanood iyan dahil gusto naming malaman kung talagang tama ang pagkakalarawan nila, lalo na tungkol doon sa mga taksil sa bayan, na sa kasamaang pa­lad ay binigyan ng pardon ng noon ay pangulong si Manuel Roxas.

Panahon na kasi para mamulat tayo, lalo na ang mga kabataan sa tunay na kasaysayan ng ating lahi, at nakakatuwang maraming mga bagong libro at mga palabas na kagaya niyan na nagtutuwid sa mga maling detalyeng narinig natin tungkol sa ating ka­saysayan.

ALEX DATU

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DESSA PATILAN

ISANG

KANO

MANUEL ROXAS

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with